Sunday, February 7, 2021

2 kawawang paslit, hindi na halos makilala dahil sa matinding sinapit mula sa kamay ng kanilang madrasta!

Nag-uumapaw ang luha at galit na galit ngayon ang libo-libong netizens sa social media dahil sa viral Facebook post ng isang lalaking nagngangalang Michael Pobadora Rosario ng Quezon CIty tungkol sa dalawang batang binubugb0g di umano ng kanilang madrasta o "stepmother".

Ito ay matapos niyang ibahagi sa kaniyang post ang mga litrato at mismong video ng dalawang paslit na kalunos lunos ang kalagayan.

Imahe mula Michael Pobadora Rosario | Facebook


Kitang kita sa video ang dami ng sugat pati na rin ang mga baling buto ng magkapatid. Ayon sa kanilang pagsasalaysay, mula pa nuong nag simula ang lockdown, Marso nuong nakaraang taon ay nagsimula na rin ang kanilang mapait na karanasan, mula sa kanilang madrasta.

Imahe mula Michael Pobadora Rosario | Facebook


Ayon kay Michael, mabuti na lang at nakatakas ang batang lalaki upang makapagsumbong sa knilang mga kamag-anak.

Imahe mula Michael Pobadora Rosario | Facebook


Habang tinatanong ang batang lalaki, sinabi niya na ang mga sugat sa ulo ay bunga ng pagpal0 sa kanila ng batuta, ganun din ang mga pasa sa kaniyang braso at binti. Ayon sa kaniya ang mga ito ay nakuha sa pagtatangka niyang salagin at pigilan na maih@mpas ang batuta sa kaniyang ulo.

Imahe mula Michael Pobadora Rosario | Facebook


Bukod sa mga sugat at pasa na ito, ang kanilang bibig na halos hindi na normal ang hitsura ay bunga naman ng pagpal0 ng bote direkta sa kanilang bunganga.

Imahe mula Michael Pobadora Rosario | Facebook


Kapansin pansin din ang mga namamagang tainga ng mga bata, dahil din sa pagkakapalo ng batuta.

Isa pang ipinakita ni Michael ang mga daliri sa dalawang kamay na halos hindi na maitiklop ng maayos, dahil sa pinuwersa itong baliin ng nasabing madrasta ng ng dalawang kaawa-awang mga paslit.

Kinalbo ni Michael ang mga bata upang mas madaling makita at gamutin ang mga sugat sa ulo ng mga ito.

Imahe mula Michael Pobadora Rosario | Facebook

Imahe mula Michael Pobadora Rosario | Facebook

Imahe mula Michael Pobadora Rosario | Facebook

Imahe mula Michael Pobadora Rosario | Facebook


Ibinahagi din sa naturang post ang larawan ng mga bata noong sila ay nasa maayos na kalagayan pa.

Kasama din ang mga larawan ng madrastang umalipusta sa mga bata na may pangalan sa Facebook na Norma B. Truita (Darkmaron)

Imahe mula Michael Pobadora Rosario | Facebook


Sa kanyang pinakahuling Facebook post habang isinusulat ito, ay nasabi ni Michael na mayroon pa siyang kasunod na video na iuupload.

Imahe mula Michael Pobadora Rosario | Facebook

Imahe mula Michael Pobadora Rosario | Facebook

Imahe mula Michael Pobadora Rosario | Facebook


Hindi naman nabanggit o nasabi sa video maging sa Facebook post ni Michael Pobadora Rosario kung sino o nasaan ang tunay na magulang ng mga bata, na dapat sana ay nangangalaga sa kanila ngayon.

Narito ang kaniyang Facebook post at ilang komento ng mga netizens:

Imahe mula Michael Pobadora Rosario | Facebook




Imahe mula Michael Pobadora Rosario | Facebook


Sa video ay mangilang ulit na nabanggit ni Michael ang pangalan ni idol Raffy upang manghingi ng tulong maging sa mga komento ng mga netizens, na lubos ang pag aalala sa mga bata.

Patuloy ang paghiling ng nakararami ng agarang pagtulong para sa kaligtasan ng dalawang bata na tinatayang grabe ang trauma na pinagdadaanan ngayon dahil sa kanilang naging karanasan.

Imahe mula Michael Pobadora Rosario | Facebook

Imahe mula Michael Pobadora Rosario | Facebook


Nawa'y mabilis itong makarating sa programa o sa kinauukulang sangay ng gobyerno upang agad na maaksyunan ang malagim na sinapit ng mga bata.

Source: Michael Pobadora Rosario | Facebook

No comments:

Post a Comment