Saturday, February 6, 2021

Lasing na pulis, kuha sa camera ang panununtok sa isang lalaki

Marami ng isyu at insidente ang kinasangkutan ng mga pulis sa ating bansa. Sunod-sunod na eskandalo at kahihiyan na ang idinulot nila sa buong hanay ng kapulisan.

Dahil dito ay maraming mamamayan ang nawalan ng tiwala at bumaba ang pagtingin sa mga pulis. Kahit na ang mga mabubuting nagseserbisyo ay apektado dito.

Kahit na ganito ang tingin ng mga tao sa kapulisan ay tila marami pa rin sa kanila ang patuloy sa pagiging barumbado at abusado.

Samantala, isa video ang kumakalat sa social media patungkol sa isang lasing na pulis.



Nakuhanan ng video ang panununtok ng pulis sa isang lalaki.

Ayon sa post, kinilala ang pulis na si PO1 Noricio Apolinaryo.

Hindi naman nabanggit kung saang lugar at ano ang naging dahilan ng gulo.

Mapapanood sa video ang panunulak ni Apolinaryo at ang pagsuntok sa lalaki. 

Wala namang magawa ang lalaki dahil sa baka natatakot ito na barilin siya ng pulis.


Kita rin ang pagkatumba ng lalaki matapos siyang suntukin ni Apolinaryo.

Narito ang buong post at video:

"ISA NANAMANG ABUSADONG PULIS ANG NAG AMOK.

PULIS PO1 NORICIO APOLINARYO.

Napag alaman n isa syang myembro ng MAGIC 5.

PANAWAGAN SANA MAHULI ITONG TAO N ITO. HINDI KA BAGAY MAGING PULIS SINISIRA MO ANG IMAHE NG ATING MAGIGING N KAPULISAN.."

Narito ang ilang komento ng mga netizens:






***
Source: Facebook

No comments:

Post a Comment