Thursday, February 4, 2021

Alitan ng naka-bisikleta at nakakotse, viral sa social media

Viral ngayon sa social media ang video kung saan makikita ang pagtatalo ng mga lalaki sa gilid ng kalsada.
Photo credit: Mark Jandy J. Ortillana

Mapapanood sa video ang dalawang lalaki na pinipigilan makaalis at hinaharangan ang daanan ng lalaking naka-bisikleta.

Base sa video, nagkagirian marahil sa kalsada ang naka-bisikleta at ang lalaking naka-kotse.

Ayon sa video uploader na si Mark Jandy J. Ortillana, muntik ng madisgrasya ang naka-bisikleta, ngunit dahil ayaw na nito ng gulo ay gusto na lamang niyang umalis.

(Biker): Parang kayo pa po ang  na Agrabyado! eh ako na nga tong muntik madisgrasya.”



Ani Mark, masyado raw minamaliit ng naka-kotse ang lalaking nakabisikleta.

Aniya, ipinost niya ang video upang makita kung papaano apakan ng mga mayayaman ang mga taong mahirap.

Dagdag pa niya, hindi raw dapat tinotolerate ang mga ganitong pangyayari dahil kapag binalewala ay mauulit at mauulit lang din.

Sa ngayon ay mayroon ng 3.3k reactions, 5.3k comments at 6.7k shares ang nasabing post.

Panoorin ang video sa ibaba:


Narito ang kanyang buong post ni Mark:

"BIKER V.S MAYAMAN NA NAKA KOTSE"

(Biker): Parang kayo pa po ang  na Agrabyado! eh ako na nga tong muntik madisgrasya.

(Mamang naka Kotse): Bakit ? Mahal ba yang Bike mo ? at biglang sabi sa bikers na pag ma disgrasya ka ipapa Hospital kita,Kaya kitang ipagamot. Eh pag nagasgasan mo sasakyan ko may pambayad kaba ?

"Parang mas gusto pa nung  matandang mayaman  na may ma disgrasya kesa magasgasan sasakyan nya".

At may isa pang naka puti ang sumali sa eksena na pilit hinihila ang bisekleta nung lalaking biker. 

Swinerte na sa buhay nakuha pang mang api ng ordinaryong tao 


kayo na bahala humusga! Madami dami na kasing pangyayaring ganito purket mayaman basic nalang sa kanila umapak ng tao.

PINOST KOTO PARA MAGING PATAS ANG LAHAT PARA HINDI MA TOLERATE YUNG GANTONG PANG YAYARI. 

PAG BINABALEWALA LANG YUNG GANTONG  PANGYAYARI MAUULIT AT MAUULIT LANG DIN KASI."

Narito naman ang video ng lalaking naka-bisikleta:

Narito ang ilang komento ng mga netizens:







***

No comments:

Post a Comment