Saturday, February 6, 2021

Pokwang “500 na kilo ng baboy tapos ang sweldo mo nasa 300 to 500 lang ano ito????”

Hindi napigilan ng TV host at aktres na si Marietta Subong o mas kilala bilang Pokwang patungkol sa isang statement ni Pasig Mayor Vico Sotto.
Pokwang / Photo credit: Latest Chika

Sa kanyang Twitter account, ibinahagi ni Pokwang ang larawan ni Mayor Vico kalakip ng kanyang statement.

““Ngayong taon tinaasan natin ang sahod ng mga Pasig Health Aide mula P5,000 kada buwan hanggang P12,000. Mabigat ang katungkulan ng mga health center personnel natin, at madadagdagan pa ang responsibilidad nila. Kaya hindi sila dapat underpaid.“
Photo credit: LionheartTV

Kasabay ng paghanga ni Pokwang kay Mayor Vico, binatikos naman nito gobyerno dahil sa mga ilang batas na ipinapatupad sa gitna ng pandémya na kinakaharap ng ating bansa.

ito yung dapat unahin ang pagtaas ng sahod muna ng mga manggagawa lalo na mga frontliners!!!! hindi yung kung anik anik nalang na law nayan na wala sa timing! 500 na kilo ng baboy tapos ang sweldo mo nasa 300 to 500 lang ano ito???? God bless you mayor @VicoSotto,” tweet ni Pokwang.
Photo credit: LionheartTV


***

No comments:

Post a Comment