Thursday, February 25, 2021

Grupo ng mga nurses nagdedemand ng public apology dahil sa 'palit-bakuna' na alok ng DOLE sa Europe

Humihingi ng public apology ang grupo ng mga nurses matapos mag-viral ang alok ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Germany at Britain na tatanggalin nila ang 5,000 deployment cap ng mga nurses sa bansa kapalit ng C0V1D-19 vacc!nes.
Photo credit: Manila Bulletin

Nadismaya umano ang mga ito dahil tila barter daw ang ginawang pag-alok ng DOLE.

Sa isang interview kay Alyn Andamo, secretary-general ng Filipino Nurses United, sinabi nitong hindi raw maganda sa pakiramdam na mismong mga opisyal ng gobyerno ang tumatrato sa kanila na kalakal.
Photo credit: CNN Philippines

Ani Andamo, gusto ng mga nurse na mabigyan sila ng trabaho sa ibang bansa dahil ang tingin sa kanila ay mahusay na tagapag-alaga ng mga pasyente.
Filipino Nurses United / Photo credit: Veritas 846

Kami po sa FNU ay hindi masaya kasi napaka, parang masasabi nating nakakainsulto ang mga ganung pananalita, para kaming commodities, barter commodities na ipinagpapalit,” ani Andamo. 

“Sana po maka-apologize sa mga nurses at kung ang intent siguro ng gobyerno ay matugunan ang mga pangangailangan hindi naman siguro kailangang gamitin ang nurses bilang kapalit.”

Ayon naman kay Labor Sec. Silvestre Bello III, ang kanilang ginawang pag-alok sa bansang Germany at Britain ay bahagi ng kanyang pakikipag-negosasyon sa Ambassador ng UK na unang humiling na ma-exempt sila sa 5,000 deployment cap ng bansa. 
Labor Sec. Silvestre Bello III / Photo credit: Business World

"Kung sa tingin nila, nasaktan sila pasensya na po pero hindi po 'yun ang plano ko. Ang daming nagsasalita, hindi naman nila alam ang nangyayari eh," ani Bello sa panayam sa Teleradyo. 

Dagdag pa ni Bello, kasama rin sa kanyang request ang bakuna ng mga overseas Filipino worker, na Priority 4 sa mga babakunahan sa bansa. 

"Kung saka-sakaling mag-recommend ako, gusto ko yung mga nurses bago namin i-deploy eh nakakatiyak tayo sa kanilang kaligtasan, and the best way is ma-vaccinate na sila bago sila pumunta roon," ani Bello.


***
Source: ABS-CBN News

No comments:

Post a Comment