Isang motovlogger ang tila naging hulog ng langit para sa kaawa-awang mag-ama na nadaanan niya sa kahabaan ng Ortigas Avenue.
Isang lalakeng karga-karga ang kawawang bata ang kaniyang nadaanan at pumukaw ng kanyang atensyon. Dahil sa nakita niya, nagalala ito sa lagay ng bata kaya agad siyang huminto sa byahe para tulungan ito.
Imahe mula Denso tambyahero | Facebook
Sa Facebook page na Denso tambyahero, ibinahagi ng ating bida ang kanyang naging karanasan habang siya ay nasa kalagitanaan ng byahe gamit ang kaniyang motorsiklo.
Imahe mula Denso tambyahero | Facebook
Nang lapitan niya ang mag ama ay tila natak0t ito lalo nang tanungin niya kung anak ba ng lalake ang karga-karga niyang bata, dahilan para ito'y lumakad papalayo.
Imahe mula Denso tambyahero | Facebook
Ngunit sa kagustuhang matulungan ang kawawang paslit at kanyang ama, pinilit nitong kumbinsihin na makipagusap at sinabing gusto niya lang itong bigyan ng pang gatas.
Hindi nagtagal ay napapayag na ang mag ama na tumabi saglit para makausap ni Denso.
Imahe mula Denso tambyahero | Facebook
Sa kanilang pag uusap kinilala niya ang lalaki na nagngangalang Jayson at napagalaman na ang bitbit na bata ay pangatlo sa kaniyang anim na anak.
Imahe mula Denso tambyahero | Facebook
Ang kaniyang bunsong anak ay nasa gulang na 3 buwan pa lamang habang ang panganay naman ay 8 taong gulang na nasa pangagalaga namang lahat ng kanyang asawa.
Sa Nueve de Pebrero, Mandaluyong ang nasabi kung saan nakatira si Jayson na dating barker sa St. Francis Ortigas ngunit sa dahilan na iilang pampasaherong jeep na lang ang nasa lugar na ito ay hindi na naituloy pa ni nito ang nasabing trabaho.
Mapapansin na may hawak itong ilang pirasong Sampaguita upang maibenta. Ngunit sa hitsura at estado nito ay napakalabong may bumili pa nito.
Imahe mula Denso tambyahero | Facebook
Imahe mula Denso tambyahero | Facebook
Sa pagnanais na matulungan at upang makauwi na ang mag-ama kasama ng kanilang pamilya. Minabuti ni Denso na abutan ito ng tulong pinansyal.
Inabot ni Denso sa lalaki ang halagang 3 libong piso na tiyak na napakalaking tulong para sa pamilya ni Jayson upang makabili ng gatas at pagkain at makaraos ng ilang araw.
Malugod naman itong tinanggap ni Jayson habang patuloy na nagpapasalamat sa magiting na byahero.
Imahe mula Denso tambyahero | Facebook
Imahe mula Denso tambyahero | Facebook
Kahit natatakpan ang ibabang bahagi ng mukha ay kitang kita naman ang ngiti sa mga mata ni Jayson habang kumakaway papalayo ang kawawang mag-ama.
Imahe mula Denso tambyahero | Facebook
Imahe mula Denso tambyahero | Facebook
Gaya ng nasabi ni Denso, ginamit lang siya ng panginoon upang maging instrumento at matulungan ang mga nangangailangang kagaya ni Jayson.
Saludo kami sa mga tulad mo Denso, sana'y marami ka pang matulungan. Nawa ay patuloy ka ring pagpalain ng maykapal at gabayan ka lagi sa iyong mga biyahe kaibigan.
Source: Denso tambyahero | Facebook
No comments:
Post a Comment