Thursday, February 11, 2021

Ina lubos ang pagaalala ng mawala ang anak sa isang DIY store, natawa na lang ng ito'y matagpuan.

Lubos na nakakabahala ang mawala sa iyong paningin, ang iyong anak lalo sa lugar na maraming tao.

Kaya ganun na lang ang naramdamang kaluwagan sa damdamin ng isang ina na malamang nawawala ang kanyang anak at kalaunan at natagpuan din.

Sa Facebook post ni Judah Abonitalla ibinahagi niya ang karanasan sa isang home supply store sa Cagayan de Oro kasama ang kaniyang mga anak.
Imahe mula mostrendingph.com


Habang naghihintay ng kanilang sundo matapos ang paglilibot at pagwi-window shopping ng mag iina, napansin niya na lang na nawawala ang kaniyang 3 taong gulang na anak na si Zacc.

Bagamat balisa ay nanatiling kalmado at mahinahon si Judah upang hanapin ang anak habang walang patid nitong tinatawag ng malakas ang ngalan ng bata sa bawat sulok ng nasabing lugar.

Imahe mula mostrendingph.com

Imahe mula mostrendingph.com


Ngunit binalot ng takot ang ina nang tanging tsinelas na lamang ng bata ang kaniyang matagpuan. Halos magsisigaw na ang ina sa paghahanap at napatigil na lang ng may narinig na boses at nakita ang anak na pormang matutulog sa isang estante ng nasabing shop.

Katuwa-tuwang nakahanap ng lugar kung saan makakapagpahinga ang bata at nakuha pa nitong magtanggal ng kaniyang tsinelas na para bang siya ay nasa kaniyang sariling kwarto.

Imahe mula mostrendingph.com

Imahe mula mostrendingph.com


Malamang dala ito ng pagod dahil sa kanilang pagiikot sa mall.

Taliwas sa ibang bata na sobrang kulit at likot lalo sa mga ganitong lugar. Si Zacc ay naghahanap ng lugar kung saan siya ay magiging komportable.

Gaya ng inaasahan, maraming netizens ang natuwa at natawa sa Facebook post ni Judah at larawang natutulog ni Zacc.

Narito ang Facebook post ng ginang kasama ng ilang komento ng mga netizens:

Imahe mula mostrendingph.com





Imahe mula mostrendingph.com


No comments:

Post a Comment