Friday, February 12, 2021

Mga MMDA enforcers na tumulong sa motoristang nasiraan ng sasakyan, umani ng papuri sa mga netizens

Dahil sa hindi magandang imahe ng mga MMDA enforcers sa ating bansa, nawalan na ng tiwala ang ating mga kababayan. Madalas kasi silang masangkot sa mga kalokohan, pang-aabuso at pangongotong ng mga motorista.
Photo credit: Bong Ramos

Minsan ay sila pa mismo ang hindi may alam sa batas na kanilang ipinatutupad kaya naman marami tayong napapanood a nababasang reklamo patungkol sa kanila.

Gayunpaman, hindi natin dapat lahatin at isipin na lahat sa kanilang hanay ay masasama o hindi matino. Mayroon pa rin at mas marami sa kanila ang tapat sa serbisyo at mapagkakatiwalaan.

Ito ang pinatunayan ng tatlong MMDA enforcers matapos nilang tulungan ang isang netizen na na-flatan ng gulong sa EDSA bandang 10:30 ng gabi.

Kwento ni Bong Ramos, papasok na sila ng Munoz ng biglang ma flat ang gulong ng kanyang sasakyan. Kasama niya ang kanyang asawa at anak na babae.

Aniya, sinusubukan niyang palitan ang gulong ngunit nahirapan siya dahil may sirang “nut” na kailangan munang tanggalin upang mapalitan ang gulong.

Mayamaya raw ay may humintong mobile patrol sa kanilang harapan at nagpresintang tulungan sila.

Laking pasasalamat ni Ramos kina MMDA enforcers Bayaua, Natada at Rosal. 
Photo credit: Bong Ramos
Photo credit: Bong Ramos
Photo credit: Bong Ramos

Thank you so much, MMDA officers Bayaua, Natada & Rosal. I am so blessed that there are good people like you serving our country. Mabuhay kayo! Thankful to the Lord for these angels in uniform.  God is good!”

Narito ang buong post ni Ramos:

"On our way home from Bulacan, our SUV had a flat tire along EDSA entering Munoz.  It was around 10:30 pm. I was with my wife & daughter. We were praying & trying to change the tire ourselves. But one lug nut on the tire was already worn out & hard to turn which made everything so difficult. Out of the blue, a mobile patrol car stopped in front of us & 3 MMDA enforcers offered their help & did a good job. They didn't even want to accept any tip. Thank you so much, MMDA officers Bayaua, Natada & Rosal. I am so blessed that there are good people like you serving our country. Mabuhay kayo! Thankful to the Lord for these angels in uniform.  God is good!" #MMDA #angelsinuniform #Godisgood

Dahil sa ginawang kabutihan nina Bayaua, Natada at Rosal, napatunayan na marami pa rin ang katulad nilang mababait at handang tumulong sa mga motoristang nangangailangan.

Pinuri rin ng mga netizens ang tatlong MMDA enforcers.


***

No comments:

Post a Comment