Nalalapit na ang tag init at unti-unti na ring pinapayagan ang pagbubukas ng mga resort at ilang mga sikat na bakasyunan.
Kaya naman trending ngayon ang isang paalala para sa mga kagaya niyang ina, ang ibinahagi ni Ma Zita Vanessa Dequita - Jarme sa kanyang facebook account. Ito ay matapos makaligtas ng kanyang anak mula sa kamandag ng dikya.
Imahe mula Ma Zita Vanessa Dequita - Jarme | Facebook
Araw ng Lunes, February 8 2021 nang nagtungo ang pamilya ni Ma Zita kasama ng ilang kaibigan sa Nabulao Beach Resort and Spa upang mag outing at para na rin makaiwas sa realidad.
Isang nakamamanghang lugar, kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit inirerekomenda at marami ang nagtutungo dito.
Sa kanilang kasabikan, madali nilang iniwan ang kanilang mga gamit sa kanilang silid at agad na nilibot ang lugar. Upang mas lalong mag enjoy ay inumpisahan na rin nilang magpalamig at uminom ng beer at juice.
Ang dalawang bata naman na si Alexis at Alexa ay masayang naglalaro ng buhangin at nang hindi na nakapagpigil sa ganda ng beach ay napagpasyahan nilang dalhin ang dalawa malapit sa baybaying dagat.
Ilang minuto ang lumipas, sumali narin sa kasiyahan ang asawa ni Ma Zita Vanessa na si Joshua at tinuruan pa ang anak na si Alexis kung paano lumangoy.
Imahe mula Ma Zita Vanessa Dequita - Jarme | Facebook
Ang kasiyahang ito ay nabalot ng tensyon ng marinig ang hindi pangkaraniwang sigaw at iyak ni Alexis.
Laking gulat ni Ma Zita ng makita niya ang lagay ng paa ng kanyang anak. Batay sa kaniyang nakita, ang hitsura na ito ay dulot ng makamandag na Box Jellyfish o Dikya.
Katulong ang kanilang lolo Pads, agad nilang binuhusan ng malamig juice ang sugat sa mga paa ng bata habang si Ma Vita naman ay naghagilap kung saan makakahanap ng suka.
Imahe mula Ma Zita Vanessa Dequita - Jarme | Facebook
Imahe mula Ma Zita Vanessa Dequita - Jarme | Facebook
Imahe mula Ma Zita Vanessa Dequita - Jarme | Facebook
Pero hindi ito naging sapat, at ilang saglit lang ay nakita na niyang umiiyak ang kanyang asawa habang bitbit ang kanilang anak na walang malay at ang lolo nila ay humihingi na ng pangunang lunas.
Dito na nila napagpasiyahan na kaagad dalhin ang bata sa pinakamalapit na ospital. Mabuti na lang at ang kanilang resort na tinutuluyan ay malapit sa ospital na kalaunan ay napagalaman ng pamilya na ito lang ang nag-iisang ospital sa lugar.
Bilang magulang napakasakit na makita ang kalagayan ng anak kaya naman habang papunta sa ospital ay sinubukan niyang lapatan ang anak ng CPR upang ito ay magkaroon ng malay.
Sinubukang kausapin ng ina habang ang ama naman ay buong paglalakas ng loob na patawanin ang kanilang anak na si Alexis ngunit hindi man lang ito kumikibo.
Hindi nawalan ng pag-asa ang mga magulang kaya patuloy ang pag darasal ng mga ito at pag gising sa halos wala ng buhay na anak.
Nang malapit na sila sa ospital, ay biglang nasilayan ni Zita na tila bumabalik na sa normal ang mga mata ng anak at kaagad namang tumugon ng hilingin niya na ikurap o ipikit ang mga ito.
Sa pagkakataong ito ay kumalma at gumaan na ang kalooban ng mga magulang ng batang si Alexis.
Narito ang isang bahagi ng Facebook post ni Ma Zita:
"Indeed God is good he doesn't want us to suffer instead he gaves us second chance to prove how worthy we are as parents to Alexis. I do believe that when you rely on God during difficulty and danger, He will give you confidence and power. I want to quote a bible verse on Psalm 28:7 "The LORD is my strength and my shield; my heart trusted in him, and I am helped: therefore my heart greatly rejoices; and with my song will I praise him."
Kuha ang larawan matapos ang nakakatakot na pangyayari kay Alexis. Kitang kita na sa kabila ng lahat ng ito, ang bata si Alexis ay nanatiling palangiti at masiyahin.
"Jellyfish ka lang c Baby Alexis ko ya" pagsasaad ng ina.
Nawa'y magsilbi itong paalala sa mga magulang lalo na ngayong marami na ang nagbabalak na mamasyal sa unti unti nating pagbabalik sa normalidad.
Basahin ang buong Facebook post ni Ma Zita Vanessa:
Imahe mula Ma Zita Vanessa Dequita - Jarme | Facebook
No comments:
Post a Comment