Tuesday, February 9, 2021

Komento umano ng isang kagawad sa dalawang batang nag-viral kamakailan, ikinagalit ng mga netizens

Nag-viral kamakailan ang video at mga larawan ng magkapatid na walang awang ginulpi at binugb*g ng kanilang madrasta o stepmother.

Galit at pagkapoot ang naramdaman ng mga netizens kay Norma B. Tuita, ang madrasta ng dalawang bata.

Makikita sa mga larawan ang nakakaawa at nakakapanlumong itsura ng magkapatid. Bakas ang mga sugat sa mukha at katawan nila.





Samantala, kung ang mga netizens ay nakaramdam ng galit o awa sa kanilang nasaksikhan, isang lalaki naman ang tila kinutya at natuwa pa sa nangyari sa magkapatid.

Sa Facebook post ni Nicole Gumolon, ibinahagi nito ang screenshot ng comment ni Michael Cantumbulan, ang lalaking kinaiinisan ng mga netizens.

Ayon sa comment ni Michael, maswerte pa raw ang dalawang bata dahil gulpĂ® lang ang kanilang inabot, dahil kung sa kanya raw ay baka napat*y niya ang magkapatid.

Aniya, ang papangit raw ng mga bata at sana raw ay hindi na sila binuhay pa.


Ayon sa Facebook account ni Michael, siya ay isang Barangay Kagawad ng Brgy. 823 Zone 89 District V ng Manila. 

Samantala, may mga nagsasabing na-hack raw ang account ni kagawad Michael at hindi siya ang totoong nagcomment.

Narito naman ang ilang komento ng mga netizens:








***

No comments:

Post a Comment