Tuesday, February 9, 2021

Traffic enforcer pinuri ng mga netizens: “Sana lahat ng traffic enforcer kagaya mo kuya"

Ang mga traffic enforcers ay madalas iwasan ng mga motorista dahil sa kanilang masamang imahe ng pangongotong at panghuhuli kahit na wala namang violations.
Photo credit: Facebook

Ang ilang motorista ay naman nakakaramdam ng inis o takot sa tuwing may madadaanang traffic enforcers. 

Madalas tayong makapanood at makabasa sa social media ng mga kwento patungkol sa mga traffic enforcers na mapagsamantala sa kanilang posisyon o hindi alam ang batas na kanilang ipinatutupad.

Samantala, isang netizen ang nakarananas ng kakaiba at talagang nakaka-good vibes ito.

Kung ang ilang Facebook posts na ating nakikita ay puro pagrereklamo, ang ibabahagi namin sa inyo ay pagpapasalamat naman sa isang enforcer.

Sa Facebook page na Raffy Tulfo Supporters, ibinahagi nito ang nangyaring panghuhuli ng enforcer sa isang driver dahil sa coding violation.

Ayon sa netizen, nakalimutan umano nilang coding ang kanilang sasakyan noong araw na yun kaya nagulat sila nang bigla silang parahin ng enforcer.
Photo credit: Facebook

Kinilala ang enforcer na si L.O Quiano ng Pasig City. 

Kwento ng netizen, dadalhin nila sa doktor ang kasama nilang bata kaya hindi na nila napansin ang coding ng sasakyan.

Nang malaman ni Quiano na emergency ang dahilan ng netizen ay dito na nagmabuting loob ang enforcer.

“nagulat ako ang sabi mam mag hazard ka alalayan ko kayo hanggang sa clinic para hindi kayo mahuli ng kasamahan ko sa ibang post,” sabi sa post.

Nakarating sila ng maayos sa clinic at masayang masaya sila dahil walang hininging kapalit ang enforcer kahit na magkano.

Ayun nakarating kmi dito sa clinic kahit singkong duling wla syang hiningi, thank you sir L.O. Quiano ng pasig ang bait nyo po.”
Photo credit: Facebook

Basahin ang buong post sa ibaba:

“Sana lahat ng traffic enforcer kagaya mo kuya, kasi nakalimutan namin na coding kmi ngayon, nagulat pa kami nung pinara kmi ni kuya, sabi ko pa sir bakit po? Sabi ni kuya mam coding po kayo, sabi ko hala sorry sir nawala sa isip namin na coding kasi kailangan namin dalhin sa doctor itong kasama namin bata emergency lang, si kuya kinuha ang drivers license ko, tapos nagulat ako ang sabi mam mag hazard ka alalayan ko kayo hanggang sa clinic para hindi kayo mahuli ng kasamahan ko sa ibang post. Ayun nakarating kmi dito sa clinic kahit singkong duling wla syang hiningi, thank you sir L.O. Quiano ng pasig ang bait nyo po.”

Narito ang ilang komento ng mga netizens:








***
Source: Facebook

No comments:

Post a Comment