Sabi nga nila, “age doesn’t matter” sa pagmamahalan. Hindi basehan ang edad ng isang tao pagdating sa pag-ibig. Ngunit minsan ay nagagamit ang kasabihan na ito sa maling paraan.
Hindi maiiwasan ang usap-usapan kapag ang isang may edad na lalaki o babae ay magkaroon ng relasyon sa mas bata sa kanila.
Mas lalo pang titindi ang tsismis kung nagkataon na maraming pera ang matandang babae o lalaki.
Katulad na lamang ng mga viral photos sa engrandeng kasal ng isang 70-year-old na lalaki at 20-year old na babae sa bansang Thailand.
Ang akala ng mga netizens ay nagkaroon lamang ng engrandeng debut ang babae at ang kasama nitong matanda ay ang tatay o lolo nito.
Kinilala ang matandang lalaki na si Mr. Chana Jiralerspong. Ang mayaman na may-ari ng coffee empire na Khao Shong Industry.
Ayon sa article ng Rachfeed, sa edad na 70 ay hindi pa ikinasal si Chana. Marahil ay talagang hinihintay niya ang kanyang “the one.”
Hindi naman nabanggit ang pangalan ng 20-year-old na babae sa kahit anong blogs o reports patungkol sa engrandeng kasalan.
Samantala, sa Facebook page na ‘Big Kren’, isang news company sa Thailand, ibinahagi nito ang mga larawan ng bagong kasal. Nabanggit din na nakatanggap ang mga magulang ng babae ng 20 million baht ($660k) o mahigit 30 million pesos.
Katulad ng ibang magkakarelasyon na mayroong malaking age gap, marami rin ang humusga sa bagong kasal kasama na rito ang kanilang mga kaibigan at kamag-anak.
Ngunit kung titignan ang larawan ng dalawa ay makikita ang ngiti at saya sa kanilang mga mukha.
Makikita rin sa mukha ng babae na hindi ito napilitan sa pagpapakasal kay Mr. Chan.
“We have already agreed on the wedding date, so no matter where I am in the world, I will come back to meet my wife on the day,” sabi ni Mr. Chan.
Samantala, marami pa rin ang nagdududa sa pagpapakasal ng babae sa matandang lalaki. Anila, kaya raw masaya ito ay dahil nakapangasawa siya ng mayaman. Kaya naman mabibili na nito ang lahat ng gustuhin niya.
***
Source: Rachfeed
No comments:
Post a Comment