Monday, March 8, 2021

Isang babae, binigyan ng leksyon ng kapwa ina matapos sitahin ang pag-iingles ng anak nito

‘Englishero ba ang anak mo?’

Hindi napigilan ilahad ng isang ina ang kanyang damdamin matapos siyang sitahin ng isa niyang kakilala (na hindi niya pinangalanan) patungkol sa pagsasalita ng ingles ng kanyang anak. Imbes na ingles, dapat daw ay tinuturuan ang anak nito ng Tagalog para hindi ito mahirapan makipag-'communicate' sa iba.

xx

Narito ang buong kwento:






Ayon sa ina, "Wala sa estado ng buhay kung english o tagalog ang ituturo mo sa mga anak mo nasa magulang un kung paano mo sila tsagain, or kung paano mo sila gusto matuto."

Kwento pa niya, aminado siya na slow learner ang kanyang anak minsan dahil ito ay 2 years old pa lamang.

"But everyday naman natututo siya at magugulat ka na lang sa lumalabas sa bibig niya. Nasa magulang ang tiyaga sis. Pag may tsaga may nilaga Huwag mong sabihin na maarte ang mga bata, natural yan sa bata. Lalo na pag mga babies pa. ofcourse they being maarte due to the attitude of the guardians din siguro or if how you treat them nasa magulang kung paano mo sila palakihin, wala namang perpektong magulang. But you need to give your best para sa mga anak mo at magiging anak mo pa," bigay diin niya.

Narito ang reaksyon ng ilang netizens: 










Source: 1

No comments:

Post a Comment