Sunday, March 7, 2021

Pokwang rumesbak sa mga pumupuna sa ipinatayo niyang beach house: “Pera niyo ba ginamit ko?”

Hindi na nakapagtimpi si Marietta Subong o mas kilala sa tawag na Pokwang sa mga netizens na pumupuna sa ipinatayo niyang beach house sa Mariveles, Bataan.
Photo credit: Pokwang / Camaya Coast Beach Resort and Properties 

Sa Facebook post ng netizen na si Tio Moreno, ibinahagi nito ang isang meme ni Pokwang.

Ang isang larawan ni Pokwang ay makikita itong umiiyak at may caption na, “Gabi-gabi ako umiiyak dahil walang trabaho.”

Habang ang isa naman ay isang article mula sa ‘Pilipino Star Ngayon’ at may title na “Pokwang nagpapatayo ng vacation house.”
Photo from Facebook

Kamakailan ay sinagot rin ni Pokwang si Spokesperson Harry Roque na sinabing matagal na daw naka ‘bakasyon’ ang mga tao.

“Hindi po bakasyon ang tawag don sir! Be sensitive naman po! Bakasyon ba matatawag yung umiiyak ka gabi gabi kasi wala kana trabaho? Pano na pamilya at pangkabuhayan nyo? Bakasyon po ba yung need mo isara negosyo mo? Kung ganyan ang bakasyon edi ayoko na magbakasyon,” sabi ni Pokwang.
Photo credit: News5

Pinuna ito ng mga netizens at sinabing acting lamang o pagkukunwari ang ginawang pag-iyak ni Pokwang dahil nawalan ito ng trabaho.

Dito na pumalag si Pokwang sa mga netizens at sinabing matagal na ang ipinapatayo niyang bahay at naantala lamang ito dahil sa pandemya.

Tanong ni Pokwang sa mga netizens, "pera nyo ba ginamit ko? pinagpaguran ko yon! EXCUSE ME!!”

“Medyo laliman nyo pa panira sakin ng konti!!! Bwahahahaa yung bahay na sinasabi nyong pinapatayo ko ngayon ay dapat matagal ng tapos yan 2018 dapat e nabuntis ako at nag pandemia naman kaya na stop!!! woohoo babaw nyo!! pera nyo ba ginamit ko? pinagpaguran ko yon! EXCUSE ME!!” tweet ni Pokwang.



***

No comments:

Post a Comment