Sunday, March 7, 2021

Isang ama, naglalakad sa kahabaan ng Commonwealth Avenue dala ang resume upang maghanap ng trabaho

Dahil sa pandemya ay mas lalong humirap ang buhay ng mga Pilipino. Marami ang nawalan ng hanap-buhay o natanggal sa trabaho dahil sa pagkalugi ng mga kompanya.
Photo credit: GMA Public Affairs

Isa sa mga naapektuhan ng pandemya ay si tatay Ronel Cimafranca, 35-taong gulang.

Dala-dala ang kanyang resume, nilalakad umano ni tatay Ronel ang kahabaan ng Commonwealth Avenue sa pagbabakasakaling makahanap ng trabaho.

Nagsara daw ang pinapasukan niyang construction company kaya naman umaasa siyang makaka-ekstra sa mga madadaanang constructions sites.
Photo credit: GMA Public Affairs
Photo credit: GMA Public Affairs

Kwento ni tatay Ronel, pinaalis ang kanyang pamilya sa inuupahang apartment dahil hindi sila nakapagbayad ng renta.

Sa ngayon ay nakikituloy muna sila ng kanyang asawa at dalawang anak sa bahay ng kanyang biyenan.

Sa Facebook page ng GMA Public Affairs, makikita ang GCASH number kung saan maaaring mag-abot ng tulong kay tatay Ronel.
Photo credit: GMA Public Affairs


Narito ang ilang komento ng mga netizens:





***

No comments:

Post a Comment