Friday, March 19, 2021

Lola, Namamalimos para sa Online Class ng Apo at sa Asawang may Sakit

Talaga ngang dakila ang pagmamahal ng isang lola para sa kanyang apo, sabi nga nila dakila ang pagmamahal ng isang lola para sa kanyang apo.


Siya ay si lola Laida Cadie Gracias, namamalimos sa kabila ng gutom ay gumagawa ng paraan upang masuportahan ang apo na nag oonline class at sa asawang may sakit.

Isang netizen na si Jhonroe Yu Cabildo ang naawa sa isang lola na namamalimos sa Monumento sa Caloocan at halos walang pumapansin sa nakaka awang lola.


Ayon sa netizen, “Palagi ko siyang nakikita sa Monumento. Kaya sa tuwing nakikita ko siya, palagi ko rin siyang inaabutan ng kahit maliit at kaunting halaga. Minsan pagkain at palagi pera. Nakakaawa si nanay dahil dinadaan-daanan na lang din siya kahit napakaraming tao.”

Sinabi ni lola na ang kanyang napapalimusan ay para sa kanyang apo na nag aaral at sa asawang may sakit.

Lumapit si Jhonroe at binigyan ng pag asa na meron tutulong dito na higit na may kaya na tumulong, si Raffy Tulfo. "Wag ka mag alala may tutulong po sa inyo na mas may kaya sakin si Idol Raffy."

Sagot naman ng matanda, “Sino ‘yun? Nakakahiya, anak.”


Eto ang post ni Jhonroe sa facebook upang humingi ng tulong para kay lola Laida, na siyang naging daan sa pagbuhos ng mga tulong para ke lola.

Ang larawan na pinost ni Jhonroe ay umano ng 6,900 reactions at 8,600 shares sa facebook.

***

Source: Facebook


















No comments:

Post a Comment