Monday, April 5, 2021

Anak, Binigyan ng Pakpak ang Amang Lineman; Umantig sa puso ng mga Netizens

Nakakatuwa at nakakaantig sa puso ang ginawa ng isang anak para sa kanyang ama. Marahil ay batid na ng kanyang anak kung ganu kadelikado ang trabaho ng kanyang ama kaya naman sa murang kaisipan nito ay naisipan niyang bigyan ng pakpak ang kanyang ama.
 
Ito ay nangangahulugan lamang na ang isang ama ay napaka halaga rin sa kanilang mga anak, naipadama ng anak ang kanyang pagmamahal at pag aalala sa kanyang ama


Ang larawang ito ay ipinost ni Keith Anderson, na kung saan umaakyat ang isang lalaki sa poste na may pakpak na gamit ng mga bata, talaga namang nakapukaw ito ng pansin sa marami. 

“His young daughter found out what he did for living , so she made him wings so he would be safe. And a good dad will wear his daughter’s wings.” Ito ang caption ni Keith sa kanyang post.
 
Talaga rin namang kahanga hanga ang ama na sinusuong ang kahit anung panganib para sa kapakanan ng pamilya, mabigay ang mga pangangailangan nang mga ito lalo na para sa kanilang mga supling.

Kaya naman sa larawang ito ay mababatid natin kung ganu minahal at pinahalagahan siya ng kanyang anak, na gumawa ng paraan sa murang isipan na proteksyunan din ang kanyang ama.


Ayon sa lineman ang pakpak na kanyang suot ay binigay ng kanyang anak, nakatutuwa naman na ang lineman na ito ay nagpakita ng pagmamahal sa kanyang anak sapagkat hindi nya kinahiya na isuot ito sa kanyang trabaho.

Kakikitaan ang larawan ng isang mapagmahal na anak at nakaka proud naman sa isang ama sapagkat hindi nya ikinahiya isuot ito kahit marami ang nakakakita.

Simple ngunit isang inspirasyon sa lahat lalo na sa mag ama, na nagpakita ng pagmamahal sa anak at ang pagmamahal ng isang anak.




Kahit simple lang kakikitaan ito ng pagmamahal kahit hindi nasasabi ng isang anak ang kanilang pagmamahal ay naipararamdam nila kahit sa maliit lang na bagay na dapat ay ma appreciate ng mga magulang.

*** 

No comments:

Post a Comment