Monday, April 5, 2021

Nakakagulat na reaksyon ng isang customer matapos matapon ng delivery rider ang kanyang order

Hinangaan at pinuri ng mga netizens ang isang babaeng mas pinili na huwag magalit kahit na natapon ang inorder nitong pagkain via FoodPanda.
Photo credit to the owner

Sa Facebook post ni Michelle Luna, Ibinahagi nito ang nakakatuwa at nakaka-inspire na pangyayari nang siya ay umorder ng pagkain.

Kwento ni Michelle, malayo palang ay tanaw na niya na naka-bike ang magdedeliver ng kanyang pagkain. Aniya, nagtataka siya dahil tila hindi raw ito mapakali.

Natapon pala ang order ni Michelle na ‘hot choco’ kaya humingi ng sorry ang rider.

Pagkalapit ko sa knya, sorry sya ng sorry kasi ung hot choco natapon na halos ung kalahati.”
Photo credit: Michelle Luna

Photo credit: Michelle Luna

Imbes na magalit ay ibinaba raw ng bahagya ni Michelle ang kanyang mask at nginitian ang rider.

"OK LANG UN KUYA SALAMAT SA PAGHATID NG PAGKAIN KO, NA-APPRECIATE KO HARD WORK MO NGAYONG UMAGA,” sabi ni Michelle sa halos maiyak-iyak na rider.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ani Michelle, simple lang sana ang mga problema sa mundo kung “kaya nating i-appreciate ang mga bagay na meron tayo. Lalo na ung mga maliit o malaking bagay na kayang gawin satin ng ibang tao.”

Dagdag pa niya, dahil paiyak na si kuya ay umakyat na siya dahil baka pati raw siya ay maiyak na rin.

Narito ang kanyang buong post:

“Share ko lang.

So, umorder nalang ako sa Food panda ng kakainin ko bago matulog. Nakabike lang ang nagdeliver sakin at nagtataka ko kasi tanaw ko palang halatang di sya mapakali. Pagkalapit ko sa knya, sorry sya ng sorry kasi ung hot choco natapon na halos ung kalahati.

What i did, binaba ko lang slight ung mask ko, nginitian sya at sinabing "OK LANG UN KUYA SALAMAT SA PAGHATID NG PAGKAIN KO, NA-APPRECIATE KO HARD WORK MO NGAYONG UMAGA."

He almost cried. I dont know kung may pinagdadaanan si kuya or what. Pero diba ang simple lang sana ng mundo kung kaya nating i-appreciate ang mga bagay na meron tayo. Lalo na ung mga maliit o malaking bagay na kayang gawin satin ng ibang tao. May kulang man, piliin padin nating maging mabuti. Lalo na kung tingin natin mas kailangan nila makaranas ng appreciation. 

*at syempre, isa din akong balat-sibuyas kaya nung nakita ko ng paiyak si kuya, umakyat na ako. HAHAHAHAHA”


Mabilis na nag-viral ang post ni Michelle at ngayon ay mayroon ng 136k reactions at 52k shares.

Narito nag ilang komento ng mga netizens:





***

No comments:

Post a Comment