Tuesday, April 6, 2021

Mabait na Residente, Pinakyaw ang Dineliver ng Delivery rider na naging Biktima ng Fake booking; Pinamigay sa mga Kapitbahay

Ngayong panahon ng pandemya, upang hindi na tayo lumabas ng bahay nakagawian na rin natin ang umorder ng pag online at naipapadala sa atin ang order natin sa tulong ng mga food delivery riders.

Maituturin narin natin ang mga food delivery riders bilang mga frontliners, sapagkat sila ay nagbubuwis din ng buhay, sa uri ng kanilang trabaho na makisalamuha sa ibang tao at pumunta sa ibat ibang lugar.

Ngunit labis lang na nakakalungkot na sa kabila ng kanilang mga sakripisyo ay nagagawa pa ng iba na sila ay lokohin.



Ibinahagi ni She Mae Ilano sa kanyang post na kung saan dinagsa ng mga food delivery riders ang kanilang kapitbahay kahit hindi sila nag order.

Nasa 20 na food delivery riders ng Grab ang nabiktima ng fake booking sa kabila ng pandemya at sa kabila ng paggunita ng Semana Santa.

Labis na ikinalumo ng mga delivery riders dahil sa libo libong halaga ng mga pagkaing idedeliver sana nila na umabot sa P15,000.


Ayon sa Post ni Shaena Mae Ilano

Bakit may mga taong walang puso? Ngayong Pandemic at Semana Santa pa talaga.

Total of 20 na couriers at madami dito ay ang "Grab" ang pumunta sa address ng kapitbahay namin pero hindi sila umorder ng food at iba pa.

Imagine 20 tao na may pamilya ang niloko ng isang tao na walang magawa sa buhay?! Itong tao na nakita namin worth of P4,500 ang order sa kanya hinang hina at natutulala si kuya sa ginawa ng tao na iyon.

Nag tulong tulong kami magkakapitbahay na mabili mga food kase kawawa naman si kuya grab driver.

Updates:

Hinarang ko ung pang 16 Mcdo Shake na Grab ang orders sa kanya na 30pcs naiyak na si kuya at nanginig kase matutunaw ung inumin buti me mabuting tao na kamg anak namin ang pinakyaw at pinamigay sa mga kapitbahay.

Yung pang 17-20 na riders, worth of 5k na pizza, 5k worth of lechon meals, 5k worth of Popeyes Food. Grabe nanginginig na at umiyak na mga riders sa pangyayari.

Pati ako di ko na kinaya sikip ng dibdib ko.

Buti may mga bumili na kamag anak ko at mga kapitbhay buong street na naawa sa mga riders.
Nareport ko na din po ito sa grab po at naayos na po nila i ban ung number po.

Kaso gumagamit sya ng ibat ibang numbers.
Lord gabayan nyo po mga riders

NEW UPDATES:

2nd day na - Food panda deliveries naman since naban na sa Grab...

Ginagamit po nya names - PERRY AGUSTIN, MARIO AGUSTIN, HAROLD AGUSTIN, address ng kapitbahay namin at iba iba numbers po gamit nya.

Mas mabuti na siguro na "Cashless" or Half payment pag bulk orders na para sating mga oorder para sure ang transaction if ganito nangyayari kawawa mga marangal na tao pagod, puyat, naarawan at nag susumikap makapagtrabaho ng maayos.

Saludo kami sa grab kase mababait din talaga ang mga tao nila.
#NoToScammer
#foodpandaph



"Imagine 20 tao na may pamilya ang niloko ng isang tao na walang magawa sa buhay?!" 

Ayon pa kay SheMae, nakita talaga nila ang panlulumo ng mga riders kaya sinikap na lang nilang magka-kapitbahay na unti-unting bilhin ang mga pagkain bilang tulong sa mga nag-deliver at upang hindi na rin masayang. 

Dagdag pa ni SheMae, pinakyaw na rin ng isa nilang kapitbahay ang McDonald's shake ng isa sa mga riders dahil naiyak na talaga ito lalo na at matutunaw na ang mga order. 

"Hinarang ko yung pang 16. Mcdo Shake na Grab ang order sa kanya na 30 pcs." 

"Naiyak na si kuya at nanginginig kasi matutunaw yung inumin buti me mabuting tao na kamag-anak namin na pumakyaw at pinamigay sa mga kapitbahay"

Sa ibang grab drivers naman ay kahon kahong pizza na nagkakahalagang P5,000.

Sobrang nakakalungkot na sa kabila ng ating kinakaharap na hirap sa buhay ay nagagawa pa rin ng iba na manloko ng kapwa. Sana ay matigil na ang ganitong mga pangyayari.

***

Source: KAMI





No comments:

Post a Comment