Tuesday, April 13, 2021

Anak ng Magsasaka na taga Bulacan natanggap sa Harvard University at nabigyan ng Full Scholarship


Nakakaproud talaga na kahit hirap tayo sa buhay ay patuloy pa rin nating pinagsusumikapan na umangat ang ating buhay.

Mula sa pagkabata ay hinihikayat na tayo ng ating mga magulang na ipagpatuloy at galingan natin ang ating pag aaral kahit na tayo ay mahirap lamang, sapagkat ito ang tanging pamana nila sa atin.

At habang tayo naman ay nagsisikap sa pag aaral, unang una na nagiging proud ang ating mga magulang lalo na at may mga karangalan tayong natatanggap.


Si Romnick Blanco, isang ulirang anak ng magsasaka ng gulay at bigas, pampito sa siyam na magkakapatid. 

Masipag at matiyaga sa pag aaral sa Romnick, tinatawid nya ang ilog para makarating sa kanyang paaralan sa Sierra Madre.

At nagbunga ang lahat ng sakripisyo nya at ng kanyang mga magulang.


Nakuha ni Romnick ang full scholarship sa Harvard University, na kung saan kasama na dito ang kanyang plane ticket, tuition, tirahan sa Boston, at maging ang kanyang wardrobe allowance.

" If they write about me, people will be happy to read my story for two minutes, feel good, be inspired, and then they will quickly forget. But if they talk about the kind of community I come from, full of hopelessness, poverty, and despair, and talk about how GreenEarth Heritage Foundation is addressing the problems that will serve a bigger group of people beyond myself, I think that has more impact."


Nakatanggap ng mga komento at papuri si Romnick sa natamo nitong oportunidad at talaga namang karapat dapat sya mabigyan nito.

Umani ng paghangang komento si Romnick sa mga Netizens.

"Wow ang galing naman..keep up the good work and congratulations."

"Kahit kanino ka pa anak basta mag qualify ka at matalino, pwede ka maging scholar in any university all around the world. Congrats!!"

"Congrats po sa inyo pagpalain sana sya ng panginoon god bless po"

Ito po ay nakagpapatunay na ang oportunidad na makapasok sa University ibang bansa ay hindi para sa mayayaman lamang, kayang kaya rin ito ng mga ordinaryong tao na bukod sa matalino ay masipag, matyaga at may pagpupursige para sa pangarap.

***

Source: PH Trendy

































No comments:

Post a Comment