Wednesday, April 14, 2021

Mabubuting Alagad ng Batas sa Malinta, Naglaan ng Oras upang Makatulong sa Module ng ilang Mag aaral

Sa panahon ngayon, kaliwa't kanan na ang di magandang kinaasasangkutan  ng kapulisan, kaya naman parang nakalimutan na ang kabutihan ng ibang pulis

Sa pangyayaring ito ay kinahangaan ng netizens ang kabutihan ng mga pulis  na ito na kung saan ay tinuturuan nila ang mga mag-aaral sa kanilang module.

Hindi na ang matapang at kinatatakutan na pulis ang makikita sa larawan kundi ang mapagkalingang mga alagad ng batas.


Sa mga 
pulis ng Malinta, hindi lamang magpatupad ng batas ang kanilang tungkulin, kundi ay kusa at taos puso silang tumutulong sa mga mag aaral na hirap sa pagsagot sa kanilang modules.


Sa post ni Diana sa Facebook, lubos ang pasasalamat nito, ina ng isa sa mga mag aaral na tinuturuan ng mga pulis, aniya ay napakalaking tulong ang ginagawa nila para sa mga bata sa pagsagot ng module, sapagkat sila ay nakakapag laan ng oras upang makatulong sa pag gabay sa mga estudyante.

“Sa mga police officer ng Malinta na laging pabalik-balik dito, mga sir, maraming salamat po sa inyo kasi tinutulungan n’yo po ang mga anak namin sa pagsasagot ng module. Mga sir, salamat at mabuhay po kayo,” saad niya sa caption ng larawan kung saan makikita ang dalawang alagad ng batas na matiyagang tinutulungan ang batang mag-aaral.

Umani ng paghanga sa mga netizens ang mga police officer, na humihiling na sana ay marami pa ang maging katulad nila.

“Wow! Sana lahat ng mga police officer,” kumento ni Marilyn Grado Salang Beldosola.  “Saludo po ako sa inyo, mga sir!”

“Sana ganito lahat ng officers,” sabi pa ng netizen na si Elbern Charles Roque.

“Marami pa rin mababait na police officer,” dagdag pa ni Jericho Pille. “I salute you po, mga sir. Ingat palagi and God bless you.”

“Sana matulungan din ang mga anak ko. Nahihirapan na po talaga ako, e. Dahil hindi naman ako nakapagtapos ng pag-aaral, mahirap talaga.” sabi naman ni Jacusalem Yu Hazel

***


No comments:

Post a Comment