Monday, April 19, 2021

Buknoy GLamurrr at Gabo, Maaring kasuhan ni Vice Ganda; Pinagmulta at Sinuspende ng Kanilang Management

Multa at suspensyon ng isang buwan na walang bayad ang inabot ni Buknoy Glamurrr at Gabo mula sa management ng star image, kaugnay sa kontrobersiyang pahayag nila kina Awra Briguella, Vice Ganda at Ion Perez kamakailan lang.

Minabuti nang Star Image Digital Network na siyang me hawak kina Buknoy at Gabo na maglabas ng public apology sa kanilang ginawa na siyang umani ng pambabatikos mula sa mga Netizens.


Dahil sa nilabag sa kanilang pinirmahang kontrata, sila Buknoy at Gabo ay pinagmumulta sila ng management ng P100,000.

Hindi rin umano masusuportahan ng management ang mga ito sakali mang magsampa ng kaso si Vice Ganda sa kanila.


Sa live video na ginawa ni Buknoy, matatandaang isang malisyosong pahayag ang ibinahagi ni Buknoy kaugnay kina Awra, Vice Ganda at Ion Perez.

Hindi ikinatuwa ng management ang ginawang ito nila Buknoy, kaya naman napagpasyahan ng management na marapat na mag public apology ang mga ito.

Kaya naman emosyonal na humingi ng tawad ang magkaibigan na Buknoy at Glabo matapos na sila ay mapagalitan ng kanilang mga boss at talant managemant na kinabibilangan nila.


Matatandaang unang nakilala si Buknoy, dahil sa kanyang kontrobersiyal na vlog content na kung saan tila hinamak niya ang isang tricycle driver na ginawang halimbawa sa mga kabataan na mag aral  umano ng mabuti upang hindi magaya dito.

Ito ay naging usap usapan at umani ng mga negatibo at galit na comments ng mga Netizens.

Naging kontrobersya din si Buknoy na kung saan nagkaroon sila ng sagutan ni Awra, na kung saan ay nadawit pa si Xander Ford sa pagkampi nito kay Buknoy. 

At humingi rin siya ng dispensa kay Awra matapos makatanggap ng pamba bash mula sa mga Netizens.

Source: KAMI

No comments:

Post a Comment