Sunday, April 18, 2021

Delivery rider napaiyak na lamang matapos hablutin ang kanyang cellphone

Hindi na talaga mawawala ang mga taong mapagsamantala at masasama kahit na mayroon tayong kinakaharap na krisis sa ating bansa.
Photo credit: Shared Post

Imbes na magtrabaho, maghanap buhay at magbanat ng buto ang kanilang gawin ay puro perwisyo at problema pa ang kanilang idinudulot.

Nakakapanlumo at nakakaawa ang sinapit ng isang delivery rider matapos hablutin ang kanyang cellphone ng hindi pa nakikilalang tao.

Sa Facebook page na ‘Shared post’, ibinahagi nito ang larawan ng isang delivery rider na tila umiiyak dahil sa masamang pangyayaring ginawa sa kanya.
Photo credit: Shared Post
Photo credit: Shared Post

Ayon sa post, habang hinahanap ng rider ang delivery point ng kanyang idedeliver ay bigla hinablot ang cellphone nito “kaya hindi nya madeliver ang order dahil nawalan sya ng pang contact sa customer.”

Naiyak na lamang daw ang rider dahil hindi pa nito tapos hulugan ang cellphone na hinablot. Pati ang konting pera na naipon nito ay nawala rin dahil nakasiksik umano ito sa case ng cellphone.

Mabilis na nag-viral ang post na ito at sa ngayon ay mayroon ng 13k reactions at 5.7k shares makalipas lamang ang isang oras pagkatapos itong mapost.

Narito ang buong post:

“”PASENSYA NA PO SA DELAY" 

Isa sa ating night rider ang bumalik na dala pa din ang dapat nyang idedeliver na order. Ayon sa kanya, habang hinahanap nya ang delivery point ng Customer ay hinablot ng di kilalang tao ang kanyang cellphone kaya hindi nya madeliver ang order dahil nawalan sya ng pang contact sa customer. 

Naiyak na lang ang ating Rider dahil bukod sa hinuhilugan pa nya ito sa home credit ay napasama pa dito ang kaunting ipon na nakasiksik sa case . Hindi din nya alam ngayon kung pano sya mag tatrabaho dahil nawalan sya ng pang hanap buhay na Cellphone. 

Wag po sana nating gawin to sa kapwa natin lalo sa mga riders na nag tatrabaho ng marangal, Dahil hindi naman natin alam ang pinag dadaanan ng bawat isa sa atin para lang mabuhay sa araw-araw.”

Narito ang ilang komento ng mga netizens:









***
Source:  Share Post

No comments:

Post a Comment