Sunday, April 18, 2021

Vlogger na minaliit at ininsulto ang mga vendor, humingi ng sorry matapos ulalin ng batikos

Gumawa ng ingay sa social media ang isa umanong hindi pa nakikilalang vlogger dahil sa pang-iinsultong ginawa nito sa mga nagtitinda ng prutas o mga tindero sa kalye.
Photo credit: TikTok

Imbes na makapagbigay ng inspirasyon ang nasabing vlogger sa video ay umani pa ito ng galit at batikos sa mga netizens.

Sa TikTok video na ibinahagi ni Madam Queen, sinabi ng vlogger na kung mayroong pangarap ang isang tao sa kanyang buhay, ay dapat itong magpursige.

Subalit ang hindi naging maganda sa ginawa ng vlogger ay nang itinapat nito ang camera sa mga tindero at sinabing “Kapag may pangarap ka magpursige ka para hindi ka matulad sa kanila.”

Matapos pa niyang batiin ang mga walang kamalay-malay na tindero, sinabi pa niyang "o di ba, 'di niya alam." 

Dahil dito ay inulan ng batikos mula sa mga netizens ang vlogger.







Sa isa pang video na in-upload ni Madam Queen, humingi ng paumanhin ang vlogger sa kanyang nagawa.

Panoorin ang video sa ibaba:
 

***
Source: TikTok

No comments:

Post a Comment