Saturday, April 17, 2021

Netizen nagpaalala na i-check ang resibo tuwing mag-grogrocery

Sa hirap ng pinagdaraanan natin ngayon, ang bawat sentimo ay napakalaking halaga. Dapat ay maging alisto tayo sa ating mga binibili lalo na kung sakto lamang ang ating pera.
Photo credit: Rappler and Wendylyn Siat

Samantala, isang netizen ang nagbahagi ng kanyang karanasan sa isang sikat na grocery store kung saan mayroong na-punch na presyo ng produkto na hindi naman nila binili.

Sa Facebook post ni Wendylyn Siat, ikinuwento nito ang pangyayari nang sila ay nag-grocery sa Puregold. Aniya, umabot raw sa mahigit P1,800 ang kanilang binayaran ngunit hindi niya ito agad pinansin.

Pero ang kanyang partner ay nagtataka kung bakit ganun kamahal dahil “konting canned goods, chichirya, detergent at bacon and hotdog” lamang daw ang kanilang pinamili.

Pagdating nila ng parking lot ay doon lang nila chineck ang resibo at doon nila nakita ang isang item na hindi naman nila binili. 

May isang item line na 734 pesos. Na alam kong wala kaming biniling ganon kamahal???” sabi ni Wendylyn.
Photo credit: Wendylyn Siat

Agad silang bumalik upang malaman kung ano ang nangyari. Kinausap nila ang cashier at supervisor ng grocery store.

Ayon kay Wendylyn, hindi raw malinaw ang naging paliwanag sa kanya ngunit naibalik naman sa kanya ang perang sumobra sa binayaran nila.

Sa huli ay nagbigay ng paalala si Wendylyn sa mga netizens na “ALWAYS! ALWAYS CHECK YOUR GROCERY RECEIPT KASI BAKA MAGBAYAD KA NG ITEM NA WALA NAMAN TALAGA SA NAIUWI MO.”

Sa ngayon ay umabot na sa 20k shares ang post ni Wendylyn.

Basahin ang kanyang buong post sa ibaba:

"LESSON LEARNED

ALWAYS CHECK RECEIPT AFTER MAG GROCERY

So SKL noh kahapon nag grocery kami sa Puregold Molino Rd mga bandang 11am. After 30 mins natapos na kami at ang total ng napamili is 1800+ na hindi ko masyado pinansin. Pero nagtataka na partner ko bat ganun kalaki inabot eh ang mga binili lang naman namin konting canned goods, chichirya, detergent at bacon and hotdog. So nung nasa parking area na kami chineck ko na din yung resibo and VOILA.

May isang item line na 734 pesos. Na alam kong wala kaming biniling ganon kamahal???

So balik kami sa loob wala pang 3 mins mula nung lumabas kami, lumapit kami sa cashier na nag punch ng mga items at sabi ko bat may item na hindi naman kasama sa pinamili namin. Tinawag nya ang manager/sup nya at inisa isa nila lahat ng laman ng box na pinamili namin with the help of the bagger na nag assist din samin nung una. Binilang din lahat then nagtanong yung manager (politely naman) "Ma'am wala po ba kayong nilabas na ibang item?". So syempre firm ang sagot ko na WALA. Binalik namin lahat the way it was boxed. Sabi ko pano nagkaron ng 734 pesos worth na meat product jan (makikita mo na MONT BFBBQ STK sya which I think is Monterey Barbecue Stick/Steak or something) eh ang frozen lang na binili namin eh hotdog at bacon?
Photo credit: Wendylyn Siat

Hindi malinaw yung mga explanation nila kung pano nangyari yon pero binalik nila yung amount sakin in cash kasi di naman nila marereverse yung binayad ko thru debit card. Sabi baka daw dahil sa qr code sticker na nakalagay dun sa hotdog. Pero i doubt it kasi BF BBQ STK nga yung item and not hotdog. So short ngayon si kahera. Maintindihan ko pa kung nasa pinakaunahan ng receipt napunch yung 734 pero nasa kalagitnaan sya cyst!!!! 

So totoo pala yung mga nababasa ko dati na may MAGIC ITEM na napa-punch ng di mo alam sa resibo. 

Sana lang di na maulit to sa iba. ALWAYS! ALWAYS CHECK YOUR GROCERY RECEIPT KASI BAKA MAGBAYAD KA NG ITEM NA WALA NAMAN TALAGA SA NAIUWI MO

UPDATE

SO AYUN NA NGA MGA CYST SALAMAT SA MGA NAG PM SAKIN TO EXPLAIN NG MAAYOS NA NANGYAYARI TALAGA YUNG GANITO AND ANG TAWAG AY GHOST ITEM/BARCODE. 

ANG DAMING TRIGGERED SA POST KO AT NAGAGALIT DAHIL PINAHIYA KO DAW SI CASHIER WHEN IN FACT DI KO KINUHA NAME NYA OR PINICTURAN SYA. NEVER KO DIN SINABI NA MINAGIC NYA OR WHATSOEVER. ANG SABI KO IS MAGIC ITEM NA GHOST ITEM PALA ANG TERM 

SAKA SA MGA NAGSABI NA KAWAWA NAMAN SI ATE GHORL AT MASHOSHORT SYA, MALIIT NA NGA SWELDO.. MGA CYST KARAPATAN KO NAMAN SIGURO KUNIN YUNG PERA KO SINCE WALA NAMAN AKONG BINILI NA GANUNG ITEM. DI NAMAN AKO MAYAMAN PARA HAYAAN NA LANG SYA 

SA MGA G NA G SA MESSAGE REQUEST KO AT MGA NAGSHARE NG POST KO WITH MATCHING HARSH WORDS. GOD BLESS NA LANG SA INYO HEHE.

AGAIN AND AGAIN THIS POST WAS TO RAISE AWARENESS NA MAY NANGYAYARING GANITO AND SALAMAT SA MGA NAKAAPPRECIATE AT NATUTO NA MAGCHECK NA DAW SILA LAGI NG RECEIPT NGAYON 

DIDN'T EXPECT THIS TO GO VIRAL .”


***

No comments:

Post a Comment