Friday, April 23, 2021

Community pantry sa Pandacan, Manila, isinara ng organizer dahil sa takot na ma-red tag

Isinara ng organizer ang isang community pantry sa Pandacan, Manila dahil sa takot umanong siya ay ma-red tag. Ipinahayag ito ni Marikit Arellano noong Huwebes sa pamamagitan ng Facebook page na Community Pantry PH.
Photo credit: Marikit Arellano

Napagdesisyonan na po namin itigil ang CP (community pantry) sa aming area Pandacan dahil nababahala po ang aking pamilya na baka maredtag po kami,” sabi ni Arellano.

Ayon kay Arellano, nag fill-up daw sila ng form na ibinigay ng mga pulis noong Lunes. Kahit na alam nilang pwede naman silang tumanggi ay ginawa na lamang nila ito upang makaiwas sa anomang gulo o problema.
Photo credit: Marikit Arellano

Photo credit: Marikit Arellano

Nangyari po ito bago pa maglabas ng statement si Mayor Isko Moreno na pwede mag tayo ng CP, hindi ko po alam paano ito ipapaalam o maka abot sa kanya na may nangyaring gantong insidente sa area namin, nangangamba po kami sa aming seguridad sa nangyari,” sabi ni Arellano.

Narito ang buong post ni Arellano:

“Napagdesisyonan na po namin na itigil ang CP sa aming area *Pandacan* dahil nababahala po ang aking pamilya na baka maredtag po kami, Nakapag fill up po kasi kami ng form na pina fill upan ng mga pulis noong lunes, kahit po alam ko na pwede kami tumanggi,bka po kasi paghinalaan kami ng kung ano ng mga pulis pag tumanggi kami fill upan, para hindi na rin po magkaroon ng komosyon kaya finill upan po namin. Nangyari po ito bago pa maglabas ng statement si Mayor Isko Moreno na pwede mag tayo ng CP, hindi ko po alam paano ito ipapaalam o maka abot sa kanya na may nangyaring gantong insidente sa area namin, nangangamba po kami sa aming seguridad sa nangyari. Gusto po ni mama at ng aking kapatid na hayaan palampasin na lang ito Pero ako po ay hindi mapanatag dahil hindi ko po alam ano pwede mangyari doon sa form na finill upan namin. Sana po maunawaan nyo ang aming kalagayan. Muli maraming salamat po at mabuhay po lahat ng nagpapatuloy at patuloy na nagtatayo ng Community Pantry.”
Photo credit: Marikit Arellano

Samantala, sinabi naman ni Manila Mayor Isko Moreno na hindi kailangang kumuha ng permit para sa mga gustong magtayo ng community pantry.

They can resume anytime, they have the support of the city [government]," sabi ni Moreno nang tanungin patungkol sa nangyari kay Arellano.

Ayon kay Moreno, maaari siyang puntahan ni Arellano sa Manila city hall kung mayroon itong problema.

Dagdag pa niya, inutusan na rin niya ang Manila Police District “not to disturb anybody doing good deeds.”


***

No comments:

Post a Comment