Sasampahan umano ng kaso ng anim na babaeng nag-viral sa social media ang tricycle driver na kinuhaan sila ng video matapos nilang ubusin ang mga pagkain sa isang community pantry sa Kapitolyo, Pasig City, noong April 19.
Maricar Adriano / Photo credit: News5
Pumunta si Maricar Adriano, ang babaeng kumuha ng dalawang tray ng itlog at ang tatlo sa limang kasama nito sa Barangay Kapitolyo upang ireklamo ang driver.
"Sasampahan din po namin siya ng kaso kasi grabe nga ho 'yung nangyari saming damage diba?" sabi ni Adriano na napag-alamang pitong buwang buntis pala.
Nanawagan rin si Adriano kay Raffy Tulfo na pagharapin sila ng organizer ng nasabing community pantry na si Carla Quiogue. Hindi raw kasi sila pinapansin nito kahit na anong pakiusap ang gawin nila.
Photo credit: News5
Raffy Tulfo / Photo credit: Raffy Tulfo In Action
“Nananawagan na rin ho ako kay Raffy Tulfo, baka po pwede niya kaming pag-usapin ni Carla ng personal. Kaming dalawa, para magkaharapan kaming dalawa," sabi ni Adriano.
"Ganun din siya samin, mag-public apologize rin siya samin. Sobra na kaming naaapektuhan lalo na ako,” dagdag pa nito.
Kamakailan ay naglabas na ng sama ng loob ang dalawa sa kasama ni Adriano dahil sa mga batikos na kanilang natatanggap sa social media.
Paliwanag nila, may permiso naman raw ang barangay tanod at may-ari ng community pantry na si Quiogue sa pagkuha nila ng mga pagkain na ipinamahagi umano nila sa mga kapitbahay.
Photo credit to the owner
"Sabi din sa amin ng may-ari na okey lang. Para naman ‘yan sa karamihan.
"So pag-uwi namin, namahagi din kami.
"Pasensiya na din po kasi nga ganoon nga yung naging asal namin, pero lilinawin namin po sa kanila na hindi kami nagnakaw,” paliwanag ni Ika, hindi niya totoong pangalan.
***
Source: News5Everywhere | Youtube
No comments:
Post a Comment