Naging viral sa social media at nagkaroon ng maraming memes ang anim na babaeng lumimas o umubos ng pagkain sa isang community pantry sa Kapitolyo, Pasig City, kahapon, April 19.
Sa programang 24 Oras ay naglabas ng kanilang saloobin ang dalawa sa anim na babaeng nag-viral sa social media. Anila, masyado na raw silang nasasaktan sa mga mabibigat na paratang laban sa kanila.
Humarap raw sila upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili at sinabing kayang-kaya raw nilang ibalik ang kakaunting pagkain na kanilang kinuha.
"Siyempre, nasasaktan po kasi kakaunti lang po din ‘yon. Kaya po namin isoli ‘yon kung ganyan lang din po na ilalabas nila sa social media,” sabi ni Shawie, hindi niya totoong pangalan.
Aniya, nasasaktan rin daw siya sa matinding social media backlash sa kanyang kaibigang tinangay ang dalawang tray ng mga itlog.
"Yung kasamahan po namin, masyado na siyang bina-bash na hindi naman po talaga nila alam ang totoo," ani Shawie.
Para naman kay “Ika”, hindi niya totoong pangalan, may permiso naman raw ang barangay tanod at may-ari ng community pantry na si Carla Quiogue sa pagkuha nila ng mga pagkain na ipinamahagi umano nila sa mga kapitbahay.
"Bago kami kumuha, nagtanong pa kami. Ang sabi pa sa amin ng tanod doon, 'O, sige, okey lang.'
"Sabi din sa amin ng may-ari na okey lang. Para naman ‘yan sa karamihan.
"So pag-uwi namin, namahagi din kami.
"Pasensiya na din po kasi nga ganoon nga yung naging asal namin, pero lilinawin namin po sa kanila na hindi kami nagnakaw."
Samantala, iba naman ang naging pahayag ni Carla sa mga sinabi ni Ika.
Si Carla rin ang nag-upload sa social media ng CCTV footage kung saan kitang kitang ang ginawa ng anim na babae.
"Hala, grabe, pati yung dalawang tray ng itlog nawala, pati yung tray mismo.”
"Tinawag ko pa nga sila, sabi ko nakalimutan nila yung lamesa. Sabi nila, ibibigay na lang daw nila sa kapitbahay nila."
Ayon naman sa isang article ng PEP, nakatanggap raw si Carla ng mensahe mula sa isang kapitbahay ng anim na babae. Hindi raw sila nabigyan ng pagkaing kinuha mula sa community pantry dahil ang mga kamag-anak daw ng mga sumugod ang nakinabang.
Kwento naman ng isang kapitbahay ng anim na babae, nakatanggap raw siya ng pagkain mula sa mga kababaihan.
"Pagdating nila dito, shinare nila agad yung kinuha nila sa community pantry, apat na itlog at dalawang noodles po. Malaking bagay na po para sa amin ‘yon.”
"Sana huwag po natin silang i-bash kasi hindi po nila alam lahat yung totoong istorya," sabi naman ng isang lalaking ayaw magpakilala kaya hindi matukoy kung kabilang siya sa mga kamag-anak na tinutukoy ng kapitbahay na nagreklamo dahil wala itong natanggap na pagkain.
***
Source: PEP
No comments:
Post a Comment