Marami sa atin sa panahon ngayong pandemya ay sa kasamaang palad ay nawalan ng trabaho, ngunit hindi tayo nawawalan ng pag asa.
Bagkus tayong mga pilipino ay gumagawa naman ng paraan upang magpatuloy ang buhay at makaraos sa pang araw araw na pamumuhay.
Humanga ang Netizens sa Ginang na si Riz Red Moreno, sapagkat hindi lamang sya gumawa ng paraan upang itawid ang pang araw araw, kundi ay naka ipon pa ng malaking halaga.
Ginawang makabuluhan ng Ginang ang kanyang oras, na kung saan habang nagbabantay siya ng kanilang tindahan ay gumagawa siya ng ice candy na manga at buko ang flavor.
Tina tiyaga niya gumawa ng dalawang kaserolang ice candy, 165 piraso ng ice candy na kung saan ay ibinebenta niya ng limang piso isa.
Sa dalawang kaserola na kanyang nagagawa ay tumutubo siya ng 800 pesos. Naging prayoridad ng Ginang ang pag iipon.
Sa 800 pesos na kanyang kinikita, nilalagay nya agad sa alkansya ang 500 pesos, samantalang 300 naman para sa kunsumo ng kanilang kuryente.
Ikinamangha ng Ginang ang kanyang naipon na umabot sa P160,500, naisipan niyang ibahagi ang kanyang tagumpay sa pag iipon at negosyo sa pamamagitan ng social media, upang hikayatin ang marami na magsimula na rin.
“Mga ka peso ito napo ang ipon ko sa luob ng isang taon katas ng ice candy, mga ka peso habang nagbabantay ako ng aming tindahan gumagawa ako ng ice candy araw araw maliban nalang kung masama ang pakiramdam ko o kaya eh may bagyo hindi ako maka gawa, ang ginagawa ko sa luob ng isang araw dalawang kaserola isang mangga at isang buko, bawat kaserola ang nagagawa ko eh 165 pcs tapos ang benta ko 5 pesos isa kaya ang lumalabas na 825 pesos, sa isang gawaan ko tumutubo ako ng 400 pesos eh dalawang gawaan yun kaya lumalabas ang tubo ko eh 800 pesos, kaya yung 500 hinuhulog ko sa lata at yung 300 nman tinatabi ko ang bayad sa koryente, tuwang tuwa ako kase sa pag tyaga ko naka ipon ako ng 160,500 peso, kaya sa ga nanay kahit nasa bahay lang kayo kaya nyo rin makaipon sipag tyaga lang talaga at disiplina pag datin sa pera, maraming salamat po at sana maging inspirasyon itong ipon challenge ko nato, thank you po at happy new year sa inyung lahat.”
Ang pag iipon ay purong disiplina sarili, kung tayo ay determinado sa ating adhikain na maka ipon ay magiging madali ito sa ating lahat.
Ngayong pandemya ay talaga naman masasabi nating sana ay nag ipon nalang ako, sapagkat ang kinabukasan ay hindi natin alam, mainam ang laging handa.
Salamat sa Ginang na ito na nagsisilbing inspirasyon ang kanyang sipag at determinasyon.
***
Source: Artikulo Uno
No comments:
Post a Comment