Friday, April 30, 2021

Dalawang tanod na itinuturo sa pagkasawi ng isang curfew violator sa Laguna, bumagsak sa lie detector test

Bumagsak sa isinagawang lie detector test ang dalawang tanod na itinuturo sa pagkamatay ng binatang si Ernanie Jimenez, 26, matapos umano nila itong bugbugin sa Purok Dos, Brgy. Turbina, Calamba, Laguna noong Abril 7.
Photo credit: Raffy Tulfo in Action / Youtube

Sa programang ‘Raffy Tulfo in Action’, ibinahagi ang resulta ng lie detector test ng dalawang tanod.

Bukod sa mga tanod ay sumailalim rin sa polygraph test ang witness na nagdetalye sa ginawa umanong pambubugbog ng dalawang tanod na siyang naging dahilan ng pagkamatay ng binata.

Ayon sa resulta ng test, lumabas na nagsisinungaling ang dalawang tanod na sina Jomel Ortiz at Arjay Abiera.
Photo credit: Raffy Tulfo in Action / Youtube
Photo credit: Raffy Tulfo in Action / Youtube

Nagsasabi naman ng totoo ang witness na si Janet Delos Santos.

Dahil dito ay nangako si Idol Raffy sa pamilya ng biktima na tutulungan niya ang mga ito na makamit ang hustisya sa pagkamatay ni Ernanie.

Handa naman umanong harapin ng dalawang tanod ang mga reklamong isasampa sa kanila ng pamilya Jimenez.

Panoorin ang video sa ibaba:


***

No comments:

Post a Comment