Thursday, April 29, 2021

Senior Citizen, Biglang naiyak matapos makakuha ng ayuda mula sa isang Community Pantry

Ngayong panahon ng pandemya ay hindi naman puro negatibo ang nangyayari sa atin, bagaman napakaraming binago ng pandemyang ito, ay tila lumabas at nakita natin ang mga taong mabubuti at handang tumulong sa abot ng kanilang makakaya.

Sapagkat napakarami sa atin ang naapektuhan, lumaganap ang tag hirap, marami ang nagutom, at nawalan ng trabaho. Naging napakahirap para sa lahat ang itawid ang pang araw araw na kakainin ng mga ordinaryong pilipino.

Nagkaroon ng mga ibat ibang paraan ng pagtulong na siya namang naging malaking tulong sa ating mga kababayan na naapektuhan.


Isa na rito ang nauuso na Community Pantry, na kung saan pwede kang kumuha ng sapat sa pangangailangan at pwede ka rin maglagay ng makakaya mo na tulong para sa mga nangangailangan. 

Naging viral sa social media ang isang lola na naging emosyonal matapos siyang makakuha ng tulong mula sa community pantry sa Calamba City.


Nag alala ang mga nakakita kay lola na siya ay umiiyak, kaya naman tinanong nila ito kung sapat ba ang nakuha nito at kanila ay dadagdagan.

Ngunit tumanggi si lola at sinabi na sapat na at sobra pa ang kanyang nakuha, ipinaliwanag na kaya siya lumuha ay sa kadahilanang siya ay natutuwa lamang siya sapagkat me pantawid gutom na siya sa mga susunod na araw.

Eto ang kabuuang post ng Calamba Bayan Community Pantry

Kanina nagulat kami. Bigla na lang kasing umiyak yung isang matanda habang nakuha ng gulay. Tinanong namin kung bakit saka kung may gusto pa siya idadag. Sabi niya wala na raw. Ok na daw yon. Sobra pa nga. Sobra lang daw niyang saya at pasasalamat na nabigyan siya kaya napaiyak na siya. Ilang araw din daw yung maitatawid ng mga nakuha niya.
Sa panahon talaga ngayon, ang isang supot ng gulay at bigas ay kaligayahan na para sa iba.


Talaga nga namang nakakatuwa na marami pa ring mga taong handang tumulong. Sana ay marami pang Community pantry ang magsulputan sa ibat ibang panig ng mundo, upang sama sama nating malampasan ang matinding pagsubok na ating kinakaharap ngayon.

Salamat sa mga may mabubuting puso, nawa ay lalo pa silang pagpalain ng Panginoon.

***

Source: We Are Pinoy


 

No comments:

Post a Comment