Ngayong pandemya ay marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho. Yung mga inaakala natin na nasa permanenteng trabaho ay hindi inaasahan na pwede palang mawala.
Kaya naman sa panahon ngayon ay meron ka lang kahit maliit na pagkakitaan na sasapat sa pantustos natin sa pang araw araw na gastusin ay malaking bagay narin sa atin.
Isa sa mga naapektuhan na kumpanya ngayong pandemya ay ang mga airline companies, at ang isa sa mga nawalan ng trabaho ay si Leigh, apat na taon ng flight attendant.
Bilang bread winner ng pamilya ay di dapat mawalan ng pag asa si Leigh,ng bagaman ay nag isip siya ng pwedeng pagkakitaan habang wala pa syang trabaho.
Bagaman sa sahod ng flight attendant na umaabot ng 50,000-70,000, tinanggap pa rin ni Leigh na hindi na magiging ganun kalaki ang sweldo o kikitain nya kung sya ay magnenegosyo.
Mula sa pagiging flight attendant, hindi nag atubili si Leigh na gumawa ng paraan at sumabak sa pagnenegosyo.
Pinasok niya ang pagtitinda ng street foods sa kanilang lugar at hindi nya ito ikinahiya kaninuman.
Nagsimula siya sa 15 thousand pesos na puhunan, na kung saan ay bumili siya ng mga kagamitan para dito.
“Ang naiisip ko lang po, paano sila mama, paano sila papa, paano kami, paano ako. Yung acceptance po na wala akong trabaho noon, sobrang hirap po sa akin.” sabi pa ng dalaga.
“Hindi naman po ako nanggaling sa mayamang pamilya para ikakahiya ko po na magbenta po ako ng fishball at kikiam. Yun po ang comfort food ko, kami po ng mga kapatid ko, so sabi ko, why not gawin ko siyang business.” Dagdag pa ni Leigh
“Nung una pong inumpisahan ko yan, namuhunan po ako ng 15 thousand, pinuhunan ko po yun sa gamit na paninda, sa mga kailangan po na panluto ng mga sauce.”
Ayon kay Leigh, kumikita sila sa kanilang bagong negosyo ng 500 pesos kada araw, malayo man sa nakasanayan na kita nya nung flight attendant palang sya, lubos pa rin ang pasasalamat ni Leigh sapagkat malaking tulong naman ito sa kanilang pang araw araw.
Umani ng maraming papuri buhat sa netizens si Leigh, dahil napaka positibo niya at humble pa.
Ito ang naging pahayag ng mga netizens sa post ni Leigh.
“There’s no shame in that. Ang importante naghahanap buhay ng malinis.”
“She’s just being humble of herself not unlike those other people who’s social climber though, So proud of her.”
“Dati rin akong flight attendant but sadly na layoff din. Ngayon sa barista ako sa starbucks. Malayo ang sahod pero sab inga ni drake. God’s plan.”
***
Source: Noypi Republic
Great Work! Five Stars for them! They made it look so easy through their skills and experience! I would suggest it to every single person out there who is confronting the same issues! big boobs girls videos
ReplyDeleteBeing a pilot requires not only technical know-how but also great decision-making skills. AV8 Prep Flight trainings
ReplyDelete