Saturday, April 17, 2021

Pustiso, Bumutas sa Gulong ng isang Sasakyan; Naging Katatawanan sa mga Netizens

May mga pangyayari talaga sa pang araw araw na buhay natin ay hindi natin inaasahan, minsan malungkot at minsan naman ay masaya.

Sa mundong ating ginagalawan, may mga sitwasyon na sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap natin sa buhay ay may mga sitwasyon na matatawa ka nalang at makakalimutan natin pansamantala ang pagsubok o lungkot na nararamdaman.


"Kaninong Pustiso Ito" ang tanong ni Leo Ricarte, mula sa Brgy. Sta. Elena, Iligan City, Lanao Del Norte, dahil sa pustiso na bumutas sa gulong ng sasakyan nya.

Nakakatawang isipin na ang pustiso na ito ang nakabutas sa gulong ng sasakyan ni Leo.

"Hindi lang kapani-paniwala kasi pustiso ..ang tibay nang pag kakagawa... .tapos brand new ang tire ko."



Ayon kay Leo, alas-3 ng hapon, ika-12 ng Abril, napansin niya mula sa side mirror na parang nakadiki na bagay sa gulong niya, tinignan nya ito.

Hindi aakalain na isang pustiso ang nakabutas sa gulong ng sasakyan, at hindi man lang nadurog ang pustiso.

"...pagbaba ko, dun ko napansin isa palang denture.. .naka baon sa tire. pag tanggal ko, butas yung tire."

Sinubukan gumawa ng paraan ni leo upang magamit pa nya ang gulong, ngunit siya ay nabigo at bumili na lamang ng panibagong gulong para sa sasakyan.

"...ang kakaibahan lang nang interior at tube less na tire, is pag nabutas ang interior, agad agad ma flaflat ang tire... ang tubeless hindi, mga isang oras pa bago ma flat ang gulong."

Unang beses lamang na ito ay naranasan ni Leo, kaya naman naisipan niyang ipost ito sa socmed.

Sa ngayon may higit 11k shares at 6k likes na ang post, at umani ng mga nakakatawang mga comments mula sa Netizens.

***





No comments:

Post a Comment