Monday, May 10, 2021

Bata, naglalako ng sampaguita para may ipambili ng gatas ng kanyang pamangkin

Viral ngayon sa social media ang larawan ng isang batang lalaking nagtitinda ng sampaguita habang bitbit ang kanyng pamangkin.
Photo credit: Jesmar Deocampo Oftanan

Ayon sa Facebook ng netizen na si Jesmar Deocampo Oftanan, nakasabay raw niya sa jeep ang dalawang bata habang siya ay pauwi galing trabaho.

Kinausap niya ang bata at nag-abot din ng konting tulong.

Kwento niya, naglalako ang batang si Rain ng sampaguita upang may maipambili ng gatas para sa kanyang 7 month old na pamangkin.
Photo credit: Jesmar Deocampo Oftanan
Photo credit: Jesmar Deocampo Oftanan

Ipambibili rin daw niya ng gamot ang kikitain sa pagbebenta dahil nakagat daw ng aso ang bata.

Kaya nananawagan si Jesmar na matulungan ang dalawang bata dahil awang awa siya sa mga ito.

“Ramdam ko po yung awa dahil isa rin po akong ama. Nakuha ko na po yang litrato nila sa may fishermall sa Quezon city.”

Narito ang kanyang buong post:

“Nakasabay ko po sya sa jeep, habang ako ay pauwi galing sa pinapasukan ko. Hindi ko na sya gaano nakausap. Maliit lang na halaga ang nkayanan kng ibigay kasi yun lang kaya ng pera ko. Nag lalako po sya ng sampaguita para may pang bili ng gatas ng pamangkin. 7months old lang po yang baby na bit2 nya at pang pagamot nya. Dahil kinagat sya ng aso. Hindi ko narin napicturan ang sugat nya. Ramdam ko po yung awa dahil isa rin po akong ama. Nakuha ko na po yang litrato nila sa may fishermall sa Quezon city. Sakto din po kasi pinalipat ako ng jeepny driver kasi wala ng pasahero. Byaheng pro2.3.”

Sa ngayon ay umabot na sa 1k reactions, 1k comments at 8.3k shares ang post ni Jesmar.

Basahin ang ilang komento ng mga netizens:




***

No comments:

Post a Comment