Thursday, May 20, 2021

Gamot Sa Hilo: Ikaw Ba Ay May Vertigo?

Ang artikulong ito ay nag lalayong sagutin ang mga katanungan tungkol sa pagkahilo. Ito ay naka focus rin sa mga gamot sa hilo na maaari mong gawin kung ikaw ay biglang makaranas nito.
Photo credit to the owner

Ano Ang Pagkahilo?

Ang pagkahilo o vertigo ay ang pagkakaramdam na para bang ikaw ay umiikot o umuuga kahit na hindi ka naman kumikilos.

Ano ang pakiramdam ng nahihilo? Subukan mong umikot ng umikot ng walang tigil sa loob ng isang minuto, siguradong mahihilo ka! Ngunit ang pagkahilo na dala ng pag ikot ay maaalis lamang sa loob ng ilang minuto. Ang pagkahilo na dala ng vertigo ay bigla na lamang na dumarating at maaaring magtagal ng ilang oras o araw hanggang sa hindi nalulunasan. Ang vertigo ay maaaring maramdaman ng walang dahilan o kaya ay dahil sa pinsala sa ulo.

Ano Ang Dahilan Ng Pagkahilo?

Hindi mo ba alam ang dahilan kung bakit ka nahihilo? Ang pagkahilo ay may iba’t ibang mga dahilan. Ang pagkahilo ay maaaring nanggagaling sa spinal cord o sa utak, o kaya ay sa mga tainga. Ang loob ng tainga ay maaaring namamaga dahil sa isang partikular na karamdaman. Maaari namang ang mga kristal o bato na normal na nasa loob ng iyong tainga ay naiba ang posisyon at maging sanhi ng iritasyon sa malilit na buhok sa kanal ng tainga, na siyang sanhi ng pagkahilo. Ito ang tinatawag na as benign paroxysmal positional vertigo o BPPV.

Pwede ring maging sanhi ng pagkahilo ang Meniere’s dis*ase, isang uri ng vertigo na dala ng pagkabingi o tinnitus o pag-ugong ng tainga, na maaaring sanhi ng pagkaipon ng likido sa tainga. Ang pag-ipon na ito ay hindi pa tiyak na maipaliwanang ng mga dalubhasa.

Ang pinsala sa ulo ay maaari ring simulan ng pagkasira ng tainga at maging sanhi ng pagkahilo. May mga pasyente din na paulit ulit na naiistroke ang nakakaranas ng pagkahilo. Ang mga pasyenteng may migraine ay maaari ring magkaroon ng pagkahilo bilang sintomas nito.

Sino Ang Mga Nanganganib Na Magkaroon Ng Pagkahilo

Ang mga pasyenteng nabagok ang ulo ay mas malamang na makaranas ng pagkahilo. May mga gamot ding maaaring maging dahilan ng pagkahilo tulad ng gamot sa pangingisay, gamot sa highblood, gamot sa dipresyon at aspirin. Ang lahat ng mga salik na nakapagpapataas ng posibilidad na ikaw ay ma-stroke, tulad ng highblood, sakit sa puso, diabetes at paninigarilyo ay makapagpapataas din ng posibilidad na ikaw ay magkaroon ng vertigo. Para sa ilan, ang pag inom ng alak ay maaaring maging sanhi ng vertigo.

Ang mga pag aaral tungkol sa mga kaso ng pagkahilo ay nagsasabi na dalawa hanggang tatlong porsyento ng mga tao sa buong mundo ay nanganganib na magkaroon ng pagkahilo, at mas posibleng magkaroon ang mas matatandang mga babae kumpara sa ibang grupo ng pupolasyon.

Ano Ang Mga Sintomas Ng Pagkahilo?

Ang mga sintomas ng pagkahilo ay maaaring magsimula sa pagkakaramdam mo na ikaw ay umiikot o gumagalaw. Ang sintomas na ito ay maaaring maranasan kahit hindi ka naman talaga kumikilos. Ang paggalaw ng iyong ulo o katawan, ang paggulong sa higaan ay maaaring makapagpalala ng mga sintomas nito. Ang sintomas ng pagkahilo ay iba naman sa nararanasan kapag ikaw ay nawawalan ng malay. May mga taong may vertigo na nagsusuka kapag inaatake.

Ang pagsusuri sa pasyenteng nahihilo ay nagpapakita na abnormal ang kilos ng kanilang mga mata na tinatawag na nystagmus. Ang ibang pasyente naman ay nawawalan ng tamang panimbang. Kapag ang kawalan ng panimbang ay tumagal ng ilang araw at may kasamang panghihina ng katawan sa kalahating bahagi ng katawan, ang mga doktor ay maaaring maghinala na ang pasyente ay may stroke, o kaya may mas malalang kalagayan na dapat sumailalim sa isang medikal na pagsusuri agad-agad.

Paano Sinusuri Ang Vertigo?

Bago natin pag usapan ang gamot sa hilo, talakayin muna natin kung paano sinusuri ang sakit na vertigo o pagkahilo.

Kapag sinusuri ang pasyenteng nahihilo, maaaring alamin ng doktor ang iyong buong medical history. Kasama na dito ang mga impormasyon sa mga gamot na iyong ininom, kahit na ang mga over the counter na gamot at mga nakaraang karamdaman, kung meron man. Kahit na ang mga problemang tila wala namang kinalaman sa pagkahilo ay maaaring magbigay ng kasagutan kung ano ang sanhi ng iyong pagkahilo.

Pagkatapos ng interview, isasailalim ka sa pisikal na pagsusuri. Kasama sa pagsusuring ito ang pagsusuri sa isip o neurological exam para malaman kung ang pagkahilo ay galing sa utak o sa tainga. Maaari ka ring sumailalim sa CT Scan o iba pang katulad na mga pagsusuri kung may hinala ang doktor na maaari mong ikamatay ang sakit na nasa likod ng iyong pagkahilo. Ang abnormal na kilos ng mga mata at kawalan ng koordinasyon ng katawan ay maaaring magsiwalat ng nakatagong problema.

Tulad ng nabanggit na, ang ilang kaso ng pagkahilo o vertigo ay nangangailangan ng MRI o CT scan ng utak o ng panloob na tainga para malaman kung ikaw nga ba ay may stroke.

Ano Ang Gamot Sa Hilo?

Ang isa sa epektibong mga gamot sa hilo na nanggagaling sa tainga ay ang particle repositioning movements. Ang pinaka bantog na panggagamot ay ang Epley maneuver o canalith repositioning procedure. Sa gamutang ito, ang partikular na mga ehersisyo sa ulo ay makapagpapakilos sa mga kristal sa tainga o canaliths. Sa pagbabalik sa ayos ng mga kristal na ito, mababawasan ang iritasyon sa loob ng tainga at ang mga sintomas ng pagkahilo o vertigo ay mababawasan. Dahil sa maaaring mapalala ng ehersisyong ito ang iyong pagkahilo, ito ay marapat lamang na isagawa ng mga eksperto sa larangang ito.

Ang mga gamot ay maaaring magdulot ng panandaliang ginhawa, subalit hindi ito ipinapayo bilang pangmatagalang lunas. Ang meclizine ay kadalasang irinireseta sa pabalik balik na mga sintomas ng pagkahilo, at maaari namang maging epektibo. Ang gamutang gumagamit Benzodiazepine tulad ng diazepam o Valium ay epektibo rin subalit maaaring magdulot ng pagkaantok at iba pang mga side effects. May iba pang mga gamot na pwedeng inumin para maibsan ang pananakit ng sikmura at pagsusuka. Tandaan na ang mga gamot sa vertigo ay panandaliang lunas lamang at hindi permanenteng gamot sa hilo.


Source: Mga Sakit 

No comments:

Post a Comment