Wednesday, May 26, 2021

Dalagang lagi umanong puyat sa pagmomodule, nawala raw sa tamang pag-iisip

Dahil sa pand3myang kinakaharap ng buong mundo, pansamantala munang itinigil ang face-to-face classes upang maiwasan ang pagkalat ng C0V1D19. 
Photo credit: Regine Robles

Ngunit upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante ay ipinatupad ang online classes kung saan sa bahay na lamang mag-aaral at gagawa ng mga gawaing eskwela ang mga mag-aaral.

Subalit, marami na ang kumalat na balita sa social media na may mga estudyanteng nahihirapan sa online classes set-up. Bukod sa kailangan ng gadget at internet connection ay mas marami umanong ipinapagawa ang mga guro sa kanila.

May mga ilan na napre-pressue umano sa pagsagot sa kanilang mga modules at napupuyat matapos lamang ang mga ito.

Samantala, nakakalungkot at nakakaawa ang sinapit ng isang estudyante mula sa Tanay, Rizal, matapos umanong mawala sa kanyang sarili dahil laging napupuyat sa pagsagot sa kanyang modules.

Sa Facebook post ni Regine Robles, ibinahagi nito ang mga larawan ng kanyang kapatid na si Rochelle Marchan Robles kasabay ang paghingi niya ng tulong upang maipagamot ito.
Photo credit: Regine Robles
Photo credit: Regine Robles

Makikita sa mga larawan na nakatali si Rochelle dahil nagwawala at nananakit umano ito. 

Ani Regine, palala ng palala ang kondisyon ng kanyang kapatid. 

Tinali namin sya kasi nag wawÃ¥la na sya, dati hindi sya nag wawÃ¥la, Habang tumatagal lumalala, Bago sya mag kaganyan, Lagi syang puyat sa kakamodule nya, hindi nakakatulog kakaisip sa module,” sabi ni Regine.

Nanawagan rin si Regine sa mga netizens na baka may nakakakilala sa kanilang ama na 16 years na umano silang iniwan.

Photo credit: Regine Robles
Photo credit: Regine Robles

Narito ang buong post at video na ipinost ni Regine:

"Magandang tanghali po. Humihingi po kami ng tulong para sa kapatid ko na may såkit, Humihingi kami ng tulong para mapa psychiåtrist ang kapatid ko na si Rochelle Marchan Robles kasi po nananåkit na sya. Sana po matulungan nyo kami na maparating to sa kanila sir Raffy Tulfo okaya sa WishKolang Wala po kaming pera pang pagamot nya. Please po pakitulungan kami sa pamamagitan ng pag tag sa kanila.

"Naåwa na po kami sa kanya. Maraming salamat po. Sana ay matulungan natin si Rochelle Marchan Robles siya po ay 16years old palang para maranasan ang ganitong sitwasyon. Tinali namin sya kasi nag wawåla na sya, dati hindi sya nag wawåla, Habang tumatagal lumalala, Bago sya mag kaganyan, Lagi syang puyat sa kakamodule nya, hindi nakakatulog kakaisip sa module.

"Kami po ay taga Tanay rizal, at kasalukuyan po kaming nandito sa tito ko, kasi po hindi namin kaya mapiit kapatid ko, pag nag wawala, Tatlo lang po kami ako at ang mama ko tsaka kapatid ko, At ang papa ko po ay matagal na kaming iniwan, Baka po may kilala kayong RENATO DACUNO ROBLES umuwi po ng vizaya papa ko 16years na po siya ng umalis, Wala na po kaming balita sa papa ko. Maraming salamat po sa inyo. Pakishare na din po. Salamat po."

Panoorin ang video sa ibaba:



***

No comments:

Post a Comment