Sunday, May 30, 2021

Las Piñas magpapa-raffle ng house & lot, pangkabuhayan packages at motorsiklo, para sa mga magpapabakuna

Dahil may mga Pilipinong ayaw magpaturok ng bakuna kontra sa C0V1D-19, nakaisip ng paraan si Rep. Camille Villar upang maengganyo ang mga taong magpaturok ng vaccine.
Photo from Interaksyon

Kung ang isang bayan sa Pampanga ay ‘baka’ ang ipinara-raffle sa mga magpapabakuna laban sa C0V1D-19, sa Las Piñas City naman ay house and lot ang premyong matatanggap ng maswerteng mapipiling residente.

Ibinahagi ni Rep. Villar sa programang “May Bahay sa Bakuna” ang pakulong ito upang mahikayat ang mga Pilipinong magpabakuna.

Si Rep. Villar ay anak nina dating Senate President Manny Villar at Senador Cynthia Villar.
Rep. Camille Villar / Photo from PeopleAid

Naniniwala po ako na pag may wastong kaalaman ang ating mga kababayan tungkol sa benefits ng pagpapabakuna at pag may tamang impormasyon ay baka ma-encourage silang magpabakuna,” sab ni Villar.

At hindi lang ‘yan, para mas ma-encourage pa po sila ay naisip namin na magpa-raffle ng isang bahay at lupa,” dagdag pa nito.

Kahapon, May 29, nagsimula ang raffle sa lahat ng eligible na residente ng Las Piñas na tumanggap ng bakuna kahit na first dose pa lamang. Magsisimula naman sa susunod na linggo ang pangongolekta ng mga raffle entries sa nasabing lungsod.

Ang raffle umano ay gagawin kada buwan simula sa Hulyo 10 at magsisimula na silang mamahagi ang sampung (10) pangkabuhayan packages.
Photo from Facebook
Photo from Facebook

Gaganapin naman ang grand draw sa Disyembre kung saan mapipili ang maswerteng residente na tatanggap ng house and lot na nagkakahalaga ng P1.5M. 

Bukod dito, magbibigay din ng iba pang papremyo tulad ng dalawang unit ng motorsiklo.

Paliwanag ni Villar, manggagaling sa kanyang personal na pondo at hindi sa pondo ng bayan ang perang gagamitin para sa mga papremyo.

Samantala, inilunsad naman ni Mayor Jayson Sagum ng San Luis, Pampanga ang programang “Baka para sa Bakuna” kung saan isang baka ang ipapa-raffle kada buwan.


***

No comments:

Post a Comment