Thursday, June 24, 2021

Pagpanaw ng isang bata, palaisipan kung ano ang ikinamatay

Viral ngayon sa social media ang post ng isang netizen patungkol sa kanyang apo na pumanaw ngunit hindi alam kung ano ba ang ikinamatay nito.
Photo credit: Otre Saleh / Facebook

Sa in-upload na mga larawan ng netizen na si Otre Saleh, makikitang tila may mga bite marks ang bata sa kanyang balikat, ilalim ng tenga at kanyang braso.

Hindi umano matukoy kung tuklaw (kagat) ba ito ng ahas o ng iba pang hayop.

Sa tingin nyo anong klaseng hayop ang nakakagat dito apo ko to namatay ngayon dahil sa kagat ng hayop na hindi ko alam kong anong klase,” tanong ni Saleh.
Photo credit: Otre Saleh / Facebook
Photo credit: Otre Saleh / Facebook

Ayon sa comment section ng post ni Saleh, kagat raw ito ng ahas na ‘King Cobra.’ May mga ilan namang nagsasabing kagat ng daga at alupihan o centipede.

Photo credit: Otre Saleh / Facebook
Photo credit: Otre Saleh / Facebook

May mga nagsabi rin na ipa-autopsy ang katawan ng bata upang malaman kung ano ba talaga ang ikinamatay nito.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:







Samantala, umabot na sa 16k reactions, 12k comments at 26k shares ang post ng netizen.


***

No comments:

Post a Comment