Thursday, June 24, 2021

Grab rider na ihahatid ang kanyang huling booking, naaksidente; Mga kapwa rider humihingi ng tulong

Ang pagiging isang delivery rider ay hindi madaling trabaho, dahil bukod sa kailangang tiisin ang tindi ng init ng araw at ang lakas ng ulan tuwing magdedeliver, maaari rin silang maaksidente anomang oras. 
Photo credit: Felix Gaviola Jr. 

Sa kabila ng mga hirap na ito, mas pinipili pa rin ng iba nating kababayan na pasukin ang trabahong ito upang mayroon silang maipakain sa kanilang pamilya.

Kaya naman napakahirap para sa mga riders ang maaksidente dahil wala silang pagkukunan ng gastusin kung sakaling sila ay ma-ospital.

Ito ang nakakalungkot na pangyayari sa isang Grabfood/Grabxpress rider na naaksidente noong Martes, Hunyo-22 at ngayon ay “kasalukuyang comat0se dahil sa malalang tama sa kanyang ulo na nagresulta ng blood clot.”
Photo credit: Felix Gaviola Jr.
Photo credit: Felix Gaviola Jr.

Sa Facebook post ng rider na si Felix Gaviola Jr., humihingi siya ng tulong sa mga kapwa niya riders at ating mga kababayan na tulungan si Loreto Oandasan Ugerio matapos nitong maaksidente bago pa man maideliver ang kanyang order.

Kwento ni Gaviola, uuwi na sana si Ugerio kung matatapos niyang ideliver ang huling order sa kanya. Ngunit sa kasamaang palad ay naaksidente ito at hindi na naideliver ang order.

Kasalukuyan ngayong naka-confine si Ugerio sa Rizal Medical Center at “nangangailangan maoperahan sa lalong madaling panahon para maalis ang dugong namuo sa kanyang ulo."
Photo credit: Felix Gaviola Jr.
Photo credit: Felix Gaviola Jr.

Sa post ni Gaviola ay nakalagay ang mga impormasyon kung saan at papaano magpaabot ng tulong kay Ugerio.

Narito ang buong post:

"Magandang araw po mga kapwa kasama sa hanap buhay sa kalsada sa ibat ibang platform (Grab Food, Grab Express, Food Panda, Lalamove, Toktok, etc.) at mga kababayan na nakakabasa ng post na ito.

Kami po ay kumakatok sa inyong mga puso para humingi ng tulong para sa aming kasamahan na si LORETO OANDASAN UGERIO o mas kilala sa tawag na SENIOR ng kanyang mga katrabaho, isang Grabfood/Grabexpress Rider sa kadahilanang siya po ay naaksidente noong Martes, 22-Hunyo 2021 dakong alas diyes ng gabi habang binabagtas ang kahabaan ng Manila East Road Tayuman, Binangonan Rizal. Pa-drop na sana sya ng kanyang huling booking mula sa Pasig C.Raymundo at pauwi na pagkatapos ngunit sa kasamaang palad sya ay naaksidente bago pa man maideliver ang kanyang huling order. Sya ngayon ay nakaconfine sa Rizal Medical Center sa Pineda, Pasig City at kasalukuyang comat0se dahil sa malalang tama sa kanyang ulo na nagresulta ng blood clot. Sya ngayon ay nangangailangan maoperahan sa lalong madaling panahon para maalis ang dugong namuo sa kanyang ulo.

Anumang tulong pinansyal na inyong maipagkakaloob ay malaking tulong para sa kanyang agarang operasyon at sa mga gastusin sa ospital at higit sa lahat hinihiling namin na isama nyo po siya sa inyong mga panalangin para sa kanyang agarang paggaling.

Narito po ang numero ng kanyang maybahay na si LYDIA QUIZO UGERIO kung nais nyo po syang kontakin - 09163162028.

Eto po ang detalye na pwde nyo padalhan ng tulong:

Metrobank account: 004-3-734-83197-3
Alvin Q. Ugerio

Gcash Account:
09281897304
Albert John Ugerio

MARAMING SALAMAT PO AT INGAT PO TAYONG LAHAT."


***

No comments:

Post a Comment