Sunday, July 11, 2021

Dating Comelec chairman sasampahan ng kaso si Duterte kapag tumakbong bise presidente sa 2022

Magsasampa umano ng kaso si dating Comelec Chairman Christian Monsod laban kay Pangulong Rodrigo Duterte kapag itinuloy nito ang planong pagtakbo bilang vice president sa 2022.
Former Comelec Chairman Christian Monsod / Photo credit: Abante

Ayon kay Monsod, papangunahan niya ang pagsampa ng kaso laban kay Duterte kung sakaling walang ibang gagawa nito. Gagawin umano agad ito ni Monsod kapag naghain na ang pangulo ng certificate of candidacy.

Kukuwestyunin ni Monsod ang motibo ni Duterte para tumakbong vice president dahil kitang kita namang nais pa nitong mamuno sa bansa.

Una nang inihayag ng Pangulong Duterte na tila nakukumbinsi na siyang tumakbong vice president sa 2022 elections matapos ding isulong ng partido nitong PDP-Laban na kumandidato ang pangulo sa pagka-bise presidente.


***
Source: DWIZ

No comments:

Post a Comment