Thursday, August 12, 2021

AKBAYAN kay Pangulong Duterte: Darating ang araw pagbabayaran mo ang mga kasalanan mo

Nitong Huwebes, nagbabala ang Akbayan Partylist kay Pangulong Rodrigo Duterte na darating daw ang araw na haharap siya sa korte at pagbabayaran ang kanyang mga kasalanan sa bayan.
Photo credit: Rappler

Sa isang press release, inihalimbawa ng Akbayan ang ginawa ng pamahalaan ng Sudan kung saan sila mismo ang nagsuko sa kanilang presidente na si Omar al-Bashir sa International Criminal Court (ICC).

This is the same fate that awaits Mr. Rodrigo Duterte. After Omar al-Bashir, the world will come after Duterte. Today, it is al-Bashir. Tomorrow, it is Duterte,” pahayag ng Akbayan.

Aniya, malapit na raw pagbayaran ni Duterte ang kanyang mga kasalanan dahil mismong ang ICC ay gusto ng imbestigahan ang war on drugs ng pangulo.

Duterte’s days are drawing to a close. The long arm of the law will eventually catch him. Justice will find its way and in the end, prevail,” saad pa ng Akbayan.

Samantala, nanatiling mataas ang approval rating ni Duterte at makikita sa mga latest survey na marami pa rin ang nagtitiwala sa pangulo.


***
Source: Abante

No comments:

Post a Comment