Thursday, August 12, 2021

Pulis naging emosyonal kaharap ang isang lolo na hindi nakatanggap ng ayuda

Dahil sa pand3mya at ipinatupad na lockdown sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa, naglabas ang gobyerno ng pondo upang ipamahagi sa ating mga kababayan na apektado ang pamumuhay.
Photo credit: Pulisbatamoko

Ang Social Amelioration Program (SAP) ay isang programa sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act na isinasagawa sa kalagitnaan ng C0V1D19 crisis.

Ngunit may mga kababayan tayong hindi nakatanggap ng nasabing ayuda. Isa na rito ang matandang tinulungan ni Patrolman Mark Ramirez.

Ang matanda ay kabilang sa mahihirap na sektor ngunit hindi napasama ang kanyang pangalan sa listahan ng mga makakatanggap ng SAP.

Laking dismaya ng matanda dahil napunta lamang sa wala ang kanyang paghihintay.

Habang naka-duty ay nasaksihan naman ni Pulis Ramirez ang nangyari sa matanda kaya dali-dali siyang namili ng grocery items upang may matanggap man lang kahit papaano si lolo.
Photo credit: Pulisbatamoko
Photo credit: Pulisbatamoko

Sa kanilang pagkikita ay napaiyak at napayakap na lamang ang pulis habang iniaabot ang pinamiling groceries kay lolo.

Marahil sobra siyang naantig sa kalagayan ng matanda. Laking pasasalamat naman ni lolo sa kabutihang loob ng pulis.

Makikita rin sa larawan na may iba pang tao ang binigyan ni Pulis Ramirez ng tulong.

Umani ng papuri at paghanga mula sa mga netizens ang kabutihang ipinakita ng pulis.
Photo credit: Pulisbatamoko
Photo credit: Pulisbatamoko

Basahin ang ilang komento ng mga netizens:








***

No comments:

Post a Comment