Monday, August 9, 2021

DIY photoshoot para sa graduation pic gamit ang kurtinang hiniram sa kapitbahay, kinaaliwan ng mga netizens

Nakunan ni Jeraldene Maming ang behind the scene DIY photoshoot ng kanyang pinsan na pinagtulungang gawin ng pamilya nito.
Photo credit: Jeraldene Maming

Makikita sa larawan si Adrian Franco, 11-year-old na naka-uniporme at sa likod niya ay ang puting tela na hiniram umano sa kanilang kapitbahay upang magsilbing white background.

Kuha ang mga larawan noong Hulyo, 19, 2021 mula sa Brgy. Poblacion Ilawod, Passi City, Iloilo.

Ang kapatid at tiyuhin ni Adrian ang may hawak ng puting tela habang ang kanyang ama naman ang kumukuha ng litrato.
Photo credit: Jeraldene Maming
Photo credit: Jeraldene Maming

(At dahil nasa labas kami), kinakailangan lang hawakan ng tito namin at ng kapatid niya ‘yong kurtina para hindi liparin ng hangin, malakas po kasi yung hangin,” sabi ni Jeraldene.

Kailangan niya po mag-pic para makapagpasa ng picture with white background sa teacher niya.”

“Mahilig po kasi ako kumuha ng stolen picture, hindi ko po akalain na maraming makaka relate,” dagdag niya.

Ayon sa Tatay ni Adrian, tumanggi sila na mag-photoshoot sa studio at ginawa na lang ito sa bakuran para makatipid. 
Adrian Franco / Photo credit: Jeraldene Maming
Adrian Franco / Photo credit: Jeraldene Maming

Ang larawan ay gagamitin bilang graduation picture ni Adrian, na nakapagtapos ng elementarya.

Masayang-masaya para po akong artista. Salamat sa inyong lahat,” sabi naman ni Adrian.

Nakatakda siyang magtapos sa Passi I Central School ngayong Agosto.

Hindi akalain ni Jeraldene na magvi-viral ang kaniyang post.

Sa ngayon ay umabot na sa 51k reactions at 25k shares ang post ni Jeraldene.

Samantala, magpapatuloy ng pag-aaral si Adrian na grade 7 na sa darating na pasukan sa Setyembre ng elementarya sa Passi Central School.


***

No comments:

Post a Comment