Sunday, August 8, 2021

Petisyon para ideklarang persona non grata si Nas Daily, isinusulong ng libo-libong netizens

Isinusulong ng libo-libong netizens ang petisyon na huwag ng makabalik ng Pilipinas ang Palestinian-Israeli content creator na si Nuseir Yassin o mas kilala bilang Nas Daily.
Photo credit to the owner

Nasi ng mga netizens na ideklarang persona non-grata si Nuseir.

Naging kontrobersyal kamakailan si Nuseir matapos kumalat sa social media ang paggamit niya sa mga katutubo katulad ng legendary Kalinga tattoo artist na si Apo Whang-Od upang pagkakitaan.

Maging ang Cacao Project founder na si Louise Mabulo ay inakusahan ang vlogger ng pagiging mayabang, minamaliit ang ating mga magsasaka at tanging ‘content’ lamang ang nais niya.
Apo Whang-Od and Nas Daily / Photo credit to the owner
Nas Daily / Photo credit to the owner

Isa sa mga inalok ng Nas Academy (isang online course) si Apo Whang-Od kung saan mapapanood siya habang itinuturo ang nalalaman sa pagtatattoo o ‘pambabatok’ sa salitang Kalinga.

Ilang eksperto din sa batas ang sinabi na iligal ang ginawa ni Nas dahil sinamantala daw diumano nito ang mga indegenous people katulad ni Whang-Od.

Sinabi rin ng apo ni Whang-Od na si Grace Palicas na ‘scam’ ang “Whang-Od Academy” na ilulunsad ni Nuseir.

Samantala, isang petisyon ang inumpisahan ni “Pinoy Ako” upang hindi na makabalik pa ng Pilipinas ang nasabing vlogger.

Exploiting Indigenous Filipino culture and art for money. He clearly violated the IPRA Law (Indigenous Peoples Rights Act of 1997) Republic Act No. 8371, which is a Philippine law that recognizes and promotes the rights of indigenous cultural communities and indigenous peoples in the Philippines,” ayon sa petisyon.

Sa ngayon ay ubot na sa 13k ang pumirma para sa petisyon. 


Sa kasalukuyan ay iniimbistagahan na ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) – Cordillera Administrative Region (CAR) ang nasabing pirmahan ng kontrata sa pagitan ni Nuseir at Whang-Od.

Sa mga gustong makita ang nasabing petisyon ay maari lamang bisitahin ang link na ito: https://www.change.org/p/philippine-government-persona-non-grata-for-nuseir-yassin-nas-daily-in-the-philippines


***

No comments:

Post a Comment