Thursday, August 19, 2021

Maine Mendoza ipinagtanggol ang boyfriend na si Arjo Atayde

Ipinagtanggol ng aktres na si Maine Mendoza ang kasintahang si Arjo Atayde patungkol sa isyu ng pag-alis nito sa Baguio City papuntang Maynila kahit na nag positibo ito sa C0V1D-19.
Arjoy Atayde and Maine Mendoza / Photo credit: Rappler

Sa Twitter, sinagot ni Maine ang isang netizen na sinabing tinotolerate daw ng aktres ang ginawa ng kanyang boyfriend.

Ayaw kong maniwala na kaya mong itolerate ang mali, na mas pabor sayo ang ginawa ni atayde kesa sa safety ng maraming tao. Hindi isang Maine Mendoza yun,” sabi ng netizen.

Ayon kay Maine, hindi niya kinukunsinti ang ginawa ni Arjo ngunit marami pa itong hindi alam sa totoong nangyari.
Arjoy Atayde and Maine Mendoza / Photo credit: Rappler
Arjoy Atayde and Maine Mendoza / Photo credit: Filipino News

Sana raw ay huwag husgahan si Arjo base sa mga nababasa sa social media at bigyan ito ng pagkakataong maipaliwanag ang kanyang panig.

Hello! I am not “tolerating” him but there’s just so much you do not know about the story. And I hope he gets the chance to tell his side and the context of what had happened these past few days. I also hope you do not base your judgments solely on what you see online.“..

“because you might just be seeing an angle of the real scenario,” reaksyon ni Maine.

Si Arjo ay nagpositibo sa C0V1D at siyam pang kasama nito sa kanilang ginawang shooting sa Baguio City noong Agosto 16.

Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, iimbestigahan umano nila ang posibleng paglabag sa protocol at hindi pagsunod ng crew ni Arjo sa mga alituntunin ng kanilang “taping bubble”.

“Nag-positive yung isang grupo na nagsu-shooting dito, yung grupo nila Mr. Atayde. They committed to us na magkakaroon sila ng bubble, pero di nangyari. Nagkataon pala na may mga tao sila na umuuwi sa lugar, at pagbalik, hindi nagtri-triage,” ani Magalong.

“Tapos yung monthly testing na commitment nila, hindi nagawa. Positive siya. Kaya lang bigla siya umalis kahapon without our knowledge, claiming na siya lang daw ang sympt0matic. At yung mga kasama niya, asympt0matic, iniwanan na lang niya…” ani Magalong.

Samantala, sa inilabas na pahayag ng kampo ni Arjo, mataas umano ang lagnat ng aktor, masakit ang ulo at hirap sa paghinga kaya agad itong umalis sa Baguio para magpaospital sa Maynila.

“We are grateful for the opportunity to shoot in their beautiful city and apologize for whatever inconvenience that this unfortunate incident may have caused,” ani Ellen Crise, head of production ng Feelmaking.



***
Source: 

No comments:

Post a Comment