Sa nakaraang episode ng weekly online show ng veteran columnist at host na si Manay Lolit Solis, ibinulgar nitong tinawagan siya ng aktor na si Mark Herras at humihiram ng P30,000.
Nang tanungin ni Manay Lolit kung para saan ang pera ay sinabi ni Mark na "'Nay, pambili ng gatas (formula milk) ng anak ko."
Noong Pebredo ay ipinakilala nina Mark at ng kanyang kasintahan na si Kim Nicole Donesa ang kanilang anak na si Mark Fernando Donesa Herras o baby Corky.
Mark Herras at Kim Nicole Donesa / Photo credit to the owner
Mark Herras at Kim Nicole Donesa / Photo credit to the owner
Samantala, imbes na umoo agad si Manay Lolit sinermonan muna niya ang aktor.
“Sabi ko talaga, alam mo Mark sa estados mo, pagiging artista mo nakakahiya thirty thousand lang, wala ka? Eh, buti pa pala ‘yung PA [personal assistant ko], may P50,000! Naku, talagang inalipusta ko siya!” sabi ni ng beteranang kolumnista.
Hanggang sa ikinumpara pa ni Manay Lolit si Mark kay Jennylyn Mercado na dating ka-love team at kasintahan nito.
Mark Herras at Jennylyn Mercado / Photo credit to the owner
Mark Herras at Jennylyn Mercado / Photo credit to the owner
Sina Mark at Jennylyn ang kauna-unahang StarStruck Ultimate Male and Female Survivor noong 2003.
Ang layo na umano ng agwat ng karera ni Jennylyn kung ikukumpara kay Mark na halos wala ng proyekto ngayon.
Upang kumalma si Manay Lolit ay sinabi umano ni Mark na may paparating itong proyekto ngayong Agosto.
“Sa August pa kasi magsisimula ‘yung lock-in taping ko. By then, ‘Nay, makakaluwag-luwag na’ko. Don’t worry,” ani Mark.
Sinagot naman siya ni Manay: “I told him, 'Mark, huwag ka pakasiguro. Si ano nga [pointing to her other male ward], nag-lock-in taping, nu'ng matapos, na-shelve ang project!' Ang ibig ko lang i-point out particularly sa kanya, mag-focus siya sa trabaho niya. Kaso, hindi! Look, naungusan na tuloy siya. All the more na may [paternal] responsibilidad ka na, dapat kang magsipag!"
Sinisisi ni Manay Lolit si Mark sa pagpili nito ng mga maling kaibigan.
Pinagsabihan rin nya ang aktor na dapat ay seryosohin na niya ang kanyang trabaho at ingatan ang mga kinikita niyang pera para sa kanyang bagong pamilya.
Ibinahagi rin ni Manay Lolit ang ginawang pag cash advanced ni Mark sa GMA Network upang gamitin pang lakwatsa kasama ang dating kasintahan nito.
"Kalahating milyon yata‚ yung 'vale' ni Mark. Aba, gabi-gabi kung saan-saang bar sila gumigimik ng buong pamilya ng girlfriend niya. What I mean is, he has yet to work for the loaned money, why spend every single centavo of it, wala nang natira sa iyo?"
“Sabi kasi nu'ng nanay ng girlfriend niya, dapat may cut-off time din daw si Mark like other privileged big stars. Talagang sinabi ko kay Mark, ‚Bakit, sino ka ba? Malaking artista ka ba?' It's my way of saying na gusto pala niyang maging big star, puwes, work hard for it. Kaso, wala siyang focus sa career niya, and that's what I'm angry about! Ayun, nagkandabaun-baon siya sa utang!" dagdag ni Manay Lolit.
Sa huli ay pinahiram din ni Manay si Mark ng pera.
"Ang ending, um-oo na 'ko. But for sure, with all these revelations nagsisisi siya kung bakit ako pa ang tinawagan at inutangan niya. And for sure, naghahanap siya ngayon ng mauutangan niya para mabayaran na niya‚ ko! Ha, ha, ha!"
Samantala, bago pa ito maikwento ni Manay Lolit ay nai-post na niya ito sa kanyang Instagram account. Nanawagan siya sa artist center na bigyan pa ang aktor ng pagkakataon.
“Sana naman ngayon na nag mature na si Mark Herras at mukhang iba narin ang outlook sa trabaho mabigyan siya ng another look ng Artists Center Salve. Kundi man puwede na maging leading man siguro puwede narin maging character actor o kontrabida si Mark,” saad ni Manay.
Aniya, siguro nakita na ni Mark ang ginawa niyang pagpapabaya sa trabaho kaya konti lang ang project niya.
Narito ang buong IG post ni Manay:
“Sana naman ngayon na nag mature na si Mark Herras at mukhang iba narin ang outlook sa trabaho mabigyan siya ng another look ng Artists Center Salve. Kundi man puwede na maging leading man siguro puwede narin maging character actor o kontrabida si Mark. Palagay ko naman by now ay mas may lalim na ang kanyang acting, mas professional na ang kanyang approach sa trabaho. Ngayon siguro nakita na niya iyon pagpapabaya na ginawa niya nuon una sa kanyang career ang naging dahilan para mawalan siya ng project. Iyon hindi niya pag seryoso sa trabaho, kaya konti lang ang project niya. Iyon walang lalim na acting niya dahil hindi niya binibigyan importansiya ang pag aaral sa role na ibinibigay sa kanya. Now na nakita niya how hard it is to get a job, nagising na siguro si Mark Herras. Sana kahit sa pagiging character actor maging very busy siya. Please help him , dahil ngayon nakita na niya ang importance ng kanyang trabaho. Hindi pa naman siguro huli, dahil ngayon mas handa na si Mark Herras na maging artista. Sana nga hindi pa huli, sana nga makahabol pa siya. Sayang ang mga panahon pinalagpas niya. Sabi ko nga, career mo iyan, wala magagawa ang kahit sino kung ikaw mismo hindi tinutulungan ang sarili mo. Now, gising na si Mark Herras. Welcome.”
***
Source:
No comments:
Post a Comment