Sunday, August 15, 2021

PANOORIN: Muling pagkikita nina Mahal at Mura, kinaaliwan ng mga netizens

Kamakailan ay nag-viral sa social media ang kalagayan ng dating komedyante na si Allan Padua o mas kilala sa kanyang screen name na “Mura.”
Photo credit: Mygz Molino / Youtube Channel

Naging matamlay ang career ni Mura matapos niyang maaksidente at maapektuhan ang kanyang binti. Mahina na rin umano ang kanyang katawan kaya hindi na nito kayang mag artista.

Samantala, nitong Agosto 15, ay ibinahagi ng indie film aktor na si Mygz Molino sa kanyang Youtube channel muling pagkikita nina Mahal at Mura.

Si Mygz at Mahal ay matalik na magkaibigan at napabalita noong magkarelasyon ang dalawa.

Si Mura ay ipinakilala noong kakambal ni Noemi Tesorero o mas kilala bilang "Mahal".
Screenshot from Mygz Molino Youtube Channel
Screenshot from Mygz Molino Youtube Channel

Matapos mapag-alaman ni Mahal ang kalagayan ng dating kaibigan ay agad itong bumyahe papuntang Bicol.

Mapapanood sa video ni Mgyz kung gaano kahirap ang daan papunta sa lugar ni Mura. Mula sa pataas at pababang bundok ay maputik rin ang kalsada.

Sa unang muling pagkikita ng dalawa ay makikita na agad ang saya sa kanilang mga mata dahil napuno ito ng tawanan at kulitan.

Screenshot from Mygz Molino Youtube Channel
Screenshot from Mygz Molino Youtube Channel
Screenshot from Mygz Molino Youtube Channel
Screenshot from Mygz Molino Youtube Channel
Screenshot from Mygz Molino Youtube Channel

Panoorin ang video sa ibaba:

Basahin ang ilang komento ng mga netizens:





***

No comments:

Post a Comment