Tuesday, August 23, 2022

Dubai based OFW, sorpresang nabiyayaan ng bagong sasakyan dahil sa taglay nitong kasipagan.

Isang napakagandang sorpresa ang biglang natanggap ng masipag na OFW sa Dubai mula sa isang sikat na influencer na si Supercar Blondie!

Sa YouTube videong ibinahagi nito, itinampok at sinorpresa nito ang Pinoy na si Jeric nagulat siya ng makita ang tanyag na internet sensation sa isang carpark sa Dubai. Ani ng influencer, “Look, I got surprise for you today.”



Imahe mula Supercar Blondie | YouTube


Isinalaysay ng boss ni Jeric na si Abir na siyang nagnomina upang mabiyayaan ng brand new Hyundai Elantra ang ating Pinoy bida, ang kuwento ng isang taong hinahangaang lubos ng lahat sa kanilang opisina.

Pahayag ni Abir, “He’s not only one of my office assistants; he’s one of my main team members. He joined us three years back. He came from the Philippines with empty pockets."

Imahe mula Supercar Blondie | YouTube

Imahe mula Supercar Blondie | YouTube

"With the help of his brother in läw and his sister, they helped him secure a job here at One Business Centre."

Dagdag pa nito, hindi nawala ang ngiti sa mga labi ni Jeric kahit na karamihan sa kanila ay nabawasan ang suweldo dahil sa kasalukuyang sitwasyong kinakaharap ng buong mundo.

Masaya raw si Abir para kay Jeric, at kung mayroon lamang siyang pagkakataon at kakayahang makatulong, ay palagi raw niya itong pipiliin.

Makikita sa video ang pagka "starstruck" ni Jeric nang biglang lumabas ang YouTube sensation at talagang bakas ang kagalakan sa mukha nito ng makita ang tanyag na personlidad.

Ayon kay Supercar Blondie, naibahagi sa kanya ng mga katrabaho ni Jeric kung gaano siya kasipag sa trabaho.

“Jeric you are such a deserving person of what’s just about to happen. I want you to turn around, this is yours,” sabi ng YouTuber sa Pinoy sabay turo sa isang brand new Hyundai Elantra.

Imahe mula Supercar Blondie | YouTube


Hindi makapaniwala, dito na rin tumulo ang luha sa saya ng masipag na Pinoy sa kanyang natanggap na sorpresa.

Agad na tinawagan ni Jeric sa kanyang ina sa Pilipinas at ibinahagi ang magandang balita.

“This is for my mom. I’m crying this morning because I messaged my mom. I know she’s lonely. She’s in the Philippines. Then that’s why this is for her. It’s a big help, a blessing in disguise.” kwento pa nito sa nagbahagi sa kanya ng sasakyan.

Imahe mula Supercar Blondie | YouTube

Imahe mula Supercar Blondie | YouTube



Source: Supercar Blondie | YouTube

No comments:

Post a Comment