Wednesday, August 3, 2022

"Hindi namin alam kung bakit ganun ang naging resulta.”: Ina ni Herlene Budol, dismayado sa resulta ng Bb. Pilipinas 2022

Nagkaroon ng maraming espekulasyon ang ginanap na coronation night ng Binibining Pilipinas 2022 sa Smart Araneta Coliseum, nito lamang Hulyo 31, matapos ang halos anim na minutong pagka-delay ng pag-anunsyo ng nanalo.
Len Timbol and Herlene Nicole Budol / Photo credit to the owner

Itinanghal na Bb. Pilipinas-International 2022 si Nicole Borromeo ng Cebu City at si Gabrielle Basiano ng Borongan Eastern Samar naman ang Bb. Pilipinas-Intercontinental 2022.

Ngunit ayon sa usap-usapa, maaaring nagkapalit ang corona ng dalawang contestant. Anila, si Gabrielle Basiano ang totoong nanalong Bb. Pilipinas-International 2022.
Bb. Pilipinas - International 2022 Nicole Borromeo / Photo credit to the owner
Bb. Pilipinas - Intercontinental 2022 Gabrielle Basiano / Photo credit to the owner

Samantala, dismayado naman ang ina ng kontrobersyal na Bb. Pilipinas 2022 candidate Herlene Nicole Budol sa naging resulta ng patimpalak.

Aniya, bagama't nasungkit ni Herlene ang pagiging 1st runner-up, umaasa ang kanilang kampo na makakakuha ito ng major award.

Sa panayam ni Joee Guilas ng The Thrillmaker, kay Len Timbol, ina ni Herlene, sinabi nitong, "Mas mataas yung inaasahan namin para kay Herlene. Hindi namin alam kung ano ang nangyari.
Bb. Pilipinas 2022 first runner up Herlene Nicole Budol / Photo credit to the owner
Bb. Pilipinas 2022 first runner up Herlene Nicole Budol / Photo credit to the owner

“Para po sa akin ang anak ko ang winner pero okay naman po at panalo rin,” dagdag nito.

Nilarawan niyang 'super' at magaling ang naging performance ng anak at maging ang question and answer ay perfect para sa kanya at deserve talaga umano nitong manalo. 

Naitanong din ito kung ano ang sa palagay niyang naging pagkukulang ni Herlene.

"Sa palagay ko po wala kasi binigay pong lahat ni Hipon. Ginawa po niyang lahat. Perfect! Hindi namin alam kung bakit ganun ang naging resulta. Anyway, masaya naman po kami para sa kanya. Hindi kami umuwing luhaan," paliwanag ni Len.
Bb. Pilipinas 2022 first runner up Herlene Nicole Budol / Photo credit to the owner
Bb. Pilipinas 2022 first runner up Herlene Nicole Budol / Photo credit to the owner

Dagdag pa ni Len, inaasahan nilang makukuha ni Herlene ang best in swimsuit.

"Para sa akin, 'yung pinakabonggang performance is yung sa swimsuit po. Talagang napakagaling po niyang rumampa, 'yung walk niya sobrang ganda. Medyo disappointed inaasahan naming siya ang best in swimsuit pero iba po 'yung in-announce. Pero it's ok lang po, laban 'yan e.”

Panoorin ang exclusive interview kay Len sa ibaba:


***

No comments:

Post a Comment