Thursday, August 4, 2022

Teacher na minura ng estudyanteng tinutulungan niyang makapasa, naglabas ng sama ng loob

Dahil sa pandemya ay ipinatupad muna ng gobyerno ang online classes ng mga estudyante upang maiwasan ang pagkalat at paghawa ng sakit.
Photo credit: LiCAS News Philippines and Cham Lijat

Kaya naman nahihirapan mag-adjust ang mga estudyante, mga magulang at mga teachers sa bagong online learning set-up.

Naiintindihan naman ng mga teachers ang kalagayan ng kanilang mga estudyante dahil hindi lahat ay mayroong kakayahang bumili ng cellphone at laptop na magagamit.

Binibigyan rin sila ng konsiderasyon upang matapos ang kanilang modules kahit na tapos na ang deadline ng pasahan.
Photo credit: Interaksyon

Samantala, isang teacher ang naglabas ng kanyang sama ng loob matapos siyang murahin ng estudyanteng tinutulungan niyang maghabol ng requirements upang makasama sa mga papasa.
Photo credit: Online Learning Consortium

Kwento ni teacher Cham Lijat sa kanyang Facebook post, magmula ng magsimula ang klase ay hindi na pumapasok ang kanyang estudyante.

In my part as his teacher, hindi ako nagkulang sa pag-remind sa kaniya… Iniitindi ko siya dahil baka nahihirapan sa setup ngayon ng klase namin. Baka hirap maka-adapt sa new normal education,” sabi ni Cham.

Aminado naman si Cham na hirap silang mga guro na makasabay sa adjustments dulot ng new normal education.

Ngunit ang hindi raw nito matanggap ay sa kabila ng kanyang pag-intindi at malasakit sa kanyang estudyante ay mumurahin pa siya nito.

Nag-message ako sa kaniya ng mga dapat nyang ipasa para makahabol siya at makasamang makapagmove-up sa Grade 11. Nagpasa naman siya ng ilan pero ganito ang message nya
‘Ayan na maam put*ng in* mo,'” pagbabahagi ni Cham.
Photo credit: Cham Lijat

Labis na nasaktan ang teacher sa sinabi ng kanyang estudyanteng parang anak na ang turing.

NAPAKASAKIT. Nanginginig pa rin ako. Hindi ko alam kung dahil sa galit o dahil sa sakit na nararamdaman ko. Binura niya ang message niya at humingi ng sorry. Maaalis ba ng salitang sorry yung sakit na naiparamdam niya sa akin? Ha anak? Sa walong taon kong pagtuturo, ito ang natanggap ko,” pagtatapos niya.

Sa ngayon ay umabot na sa 92k reactions at 29k shares ang post ni Cham.

Basahin ang kanyang buong post:

"Ayan na maam put*ng ina mo"

Sa pandemyang ito, marami ang nahihirapan, marami ang nag-aadjust.

Isa sa mga nahihirapan ngayon ay ang mga teachers. Napakahirap ng pinagdadaanang adjustment para makasabay sa New Normal Education. Lahat ng kayang gawin ay ginagawa upang maipaintindi ang lessons sa mga estudyante. Lahat ng means of communication ay sinusubukan upang mareach-out ang mga estudyante at pati na rin ang mga magulang. Napakalawak na pagpapasensya ang ibinibigay ng mga teachers sa tuwing iseseen lang sila ng mga estudyante at magulang. Ni kahit tawag ay hindi sinasagot ng mga estudyante at magulang, minsan ay binababaan pa ng telepono kapag nalamang teacher ang nasa kabilang linya.

Uulitin ko, napakahirap.

Napapost ako dahil gusto kong maglabas ng sama ng loob. Gusto ko ring mabasa ito ng mga magulang upang maunawaan nila ang dapat nilang maunawaan.

May estudyante ako na hindi pumapasok sa Virtual Class magmula pa noong Oct. 5 na nagsimula ang klase. Hindi rin sya nagpapasa ng kanyang output. In short, wala syang grade magmula noong 1st Grading.

On my part as his teacher, hindi ako nagkulang sa pagremind sa kanya. Kahit siniseen lang nya ang messages ko ay patuloy pa rin ako sa pagmessage sa kanya. Iniintindi ko sya dahil baka nga nahihirapan sa setup ngayon ng klase namin. Baka hirap maka-adapt sa new normal education.

Malawak na pagpapasensya at pag-iintindi ang ibinigay ko dahil MAHAL KO ANG MGA ESTUDYANTE KO. Anak / Nak nga ang tawag ko sa kanila kahit hindi ko sila kadugo.

Ang hindi ko matanggap ay yung sa kabila ng PAGMAMAHAL na ibinibigay ko ay "PUTANG INA MO" ang matatanggap ko.

Nagmessage ako sa kanya ng mga dapat nyang ipasa para makahabol sya at makasamang makapagmove-up sa Grade 11.

Nagpasa naman sya ng ilan pero ganito ang message nya "Ayan na maam putang ina mo".

NAPAKASAKIT. Nanginginig pa rin ako. Hindi ko alam kung dahil sa galit o dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Binura nya ang message nya at humingi ng sorry.

Maaalis ba ng salitang sorry yung sakit na naiparamdam mo sa akin? Ha anak?

Sa walong taon kong pagtuturo, ito ang natanggap ko."

Narito naman ang komento ng mga netizens:











***

No comments:

Post a Comment